Biyernes, Abril 12, 2019, nagpadala ng mensahe kay Kim Jong-un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea (DPRK) si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para bumati sa kanyang muling panunungkulan bilang tagapangulo ng Konseho ng Estado ng DPRK.
Ani Xi, buong lugod niyang nakitang nitong nakalipas na ilang taon, sa ilalim ng pamumuno ni Kim, walang humpay na natamo ang mga bagong bunga sa pag-unlad ng kabuhaya't lipunan ng DPRK, at pumasok sa bagong yugtong historikal ang usapin ng sosyalismo nito. Nananalig aniya siyang sa patnubay ng bagong estratehiya na tiniyak ni Kim, tiyak na makakakuha ng mas malaking tagumpay ang mga mamamayang Hilagang Koreano, sa iba't ibang usapin ng konstruksyon at pag-unlad ng bansa.
Tinukoy pa ni Xi na sapul noong isang taon, apat na beses siyang nakipagtagpo kay Kim, at narating nila ang isang serye ng mga mahalagang komong palagay. Nakahanda aniya siya, kasama ni Kim, na gawing pagkakataon ang ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, para mapasulong ang ibayo pang pag-unlad ng relasyong Sino-Hilagang Koreano, at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
Salin: Vera