|
||||||||
|
||
Hindi karaniwan ang kasalukuyang taon para sa Gap, kilalang clothing retailer ng Amerika. Isinara nito ang daan-daang tindahan sa Estados Unidso, pero, pinalawak naman ang operasyon sa Tsina. Nitong nagdaang Abril, labing-isang (11) tindahan ang binuksan ng Gap sa Chinese mainland. Balak ng kompanyang magbukas pa ng di kukulangin sa 29 na tindahan bago magtapos ang taong ito.
Peo, hindi lamang Gap ang nagpalawak ng negosyo sa Tsina. Hanggang katapusan ng nagdaang Abril, umabot sa 305 bilyong yuan (mga 44 na bilyong dolyares), ang ginamit na puhunang dayuhan ng Tsina, at mas mataas ito ng 6.4% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2018. Kasabay nito, tumaas din ang puhunan ng mga pangunahing bansa sa Tsina at kabilang dito, ang puhunan mula sa Timog Korea ay umakyat ng 114.1%; iyong galing sa Estados Unidos na 24.3%; at mula sa Alemanya na 101.1%. Bukod dito, dalawampu't pitong multinasyonal na kompanya ang nagbukas ng rehiyonal na punong himpilan o sentro ng pananaliksik at pagdebelop sa Shanghai, at tumaas ng 20.3% ang aktuwal na ginamit na puhunang dayuhan ng lunsod nitong unang apat na buwan ng taong ito. Samantala sa Hainan, lalawigan kung saan matatagpuan ang pinakamalaking sonang pangkabuhayan ng Tsina, lumaki ng 20 beses ang aktuwal na ginamit na puhunang dayuhan nitong nagdaang apat na buwan kumpara sa gayunding panahon ng taong 2018. Ipinakikita ng mga ito na sa kabila ng malaking pagbaba ng cross-border na puhunan, lipos ng kompiyansa ang mga mamumuhunang dayuhan sa prospek ng pag-unlad ng Tsina.
Unang una, ang tiwala ng mga puhunang dayuhan ay dahil sa kalakihan ng pamilihang Tsino. Ang bansang Tsina na may 1.4 na bilyong mamimili ay mayroon ding pinakamalaking middle-income group na may pinakamabilis na pag-unlad. Noong unang kuwarter ng taong ito, ang panloob na konsumo ay nag-ambag sa 65.1% ng paglaki ng pambansang kabuhayan.
Ang kompiyansa ng mga pandaigdig na puhunan ay nanggagaling din mula sa kasiglahan ng pamilihang Tsino. Nitong unang apat na buwan ng taong ito, ayon sa estadistika ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, ang hay-tek at serbisyo ay nagsisilbing bagong lakas-panulak sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino. Kabilang dito, umabot sa 33.4 na bilyong yuan (mga 4.8 bilyong dolyares), ang aktuwal na ginamit na puhunang dayuhan ng sektor ng paggawa ng hay-tek, at mas mataas ito ng 12.3 % kumpara sa gayunding panahon ng taong 2018. Samantala, umakyat ng 73.4% ang pagtaas ng aktuwal na ginamit na puhunang dayuhan sa sektor ng serbisyong hay-tek, na umabot sa 52.5 bilyong yuan (mga 7.6 bilyong dolyares). At tumaas naman ng 96.3% ang bahagdan ng technology commercialization rate.
Pangatlo, ang kompiyansa ng mga mamumuhunang dayuhan ay suportado rin ng katatagan ng pamilihang Tsino at garantiyang pambatas. Ayon sa bagong labas na Batas sa Puhunang Dayuhan ng Tsina, binibigyan ng national treatment ang mga mamumuhunang dayuhan at natitiyak din ang pagpapalakas ng pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR).
Matatandaang sa katatapos na Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF), nangako si Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ibayo pang magbubukas ang pamilihan ng bansa sa mas malawak na sektor, ibayo pang magpapalakas ng pakikipagtulungang pandaigdig sa pangangalaga sa IPR, mag-aangkat ng mas maraming paninda at serbisyo, mas mabisang makikipagkoordina sa mga bansang dayuhan sa mga patakarang macro-economy, at ibayo pang magpapahalaga sa pagpapatupad ng mga patakaran ng pagbubukas sa labas.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |