Kaugnay ng pananalita ng Unyong Europeo (EU) na ang pagsusog ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) sa mga kaukulang ordinansa ay posibleng magdulot ng pangmatagalang epekto sa mga taga-Hong Kong, ipinahayag Huwebes, Hunyo 13, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang matinding kawalang kasiyahan at buong tatag na pagtutol ng panig Tsino sa maling pananalita ng panig ng EU.
Diin ni Geng, ang mga suliranin ng Hong Kong ay isyung panloob ng Tsina, at walang karapatang makialam dito ang anumang bansa, organisasyon at indibiduwal. Hiniling niya sa panig ng EU na obdiyektibo't makatarungang tingnan ang pagsusog ng HKSAR ng mga kaukulang ordinansa ayon sa batas, at itigil ang pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong at isyung panloob ng Tsina sa anumang paraan.
Salin: Vera