|
||||||||
|
||
Martes, Hulyo 7, 2019, nagpadala ng mensahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Charles Michel ng Belgium, bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang bagong tagapangulo ng European Council. Saad ni Xi, kinakatigan ng panig Tsino ang pagpapatingkad ng Europa ng mas mahalagang papel sa mga suliraning pandaigdig, at nakahandang pasulungin ang walang humpay na pagtatamo ng partnership ng Tsina at Europa ng bagong progreso, sa mga aspektong kinabibilangan ng kapayapaan, paglago, reporma, at sibilisasyon. Nagpapakita ito ng positibong mithiin ng Tsina sa pagpapasulong sa kooperasyong Sino-Europeo.
Ang kasalukuyang taon ay panahon ng pagpapalit ng liderato ng arenang pulitikal ng Europa. Ang punong ministro ng Belgium na si Charles Michel ay nahalal bilang tagapangulo ng European Council. Si Ursula von der Leyen, babaeng Ministrong Pandepensa ng Alemanya ay ininomina bilang bagong tagapangulo ng European Commission. Magiging presidente ng Bangko Sentral ng Europa si Christine Lagarde, kasalukuyang Presidente ng International Monetary Fund, at si Ministrong Panlabas Josep Borrell Fontelles ng Espanya naman ay manunungkulan bilang High Representative for Foreign Affairs and Security Policy ng Unyong Europeo (EU).
Sa kasalukuyan, nahaharap ang pag-unlad ng Europa sa maraming hamon na gaya ng krisis ng mga refugee, di pa tiyak na kalagayan ng pag-alis ng Britanya sa EU (Brexit), pagbagal ng paglago ng kabuhayan at iba pa. Sa ilalim ng ganitong kalagayan, ang pagpapatibay at pagpapalakas ng kooperasyon sa Tsina ay, walang duda, magsisilbing pinakamahalagang direksyon ng diplomasya ng EU. May katuwiran ang komunidad ng daigdig na bigyan ng optimistikong ekspektasyon ang tunguhin ng relasyong Sino-Europeo sa hinaharap.
Sa aspekto ng pangangalaga sa kapayapaan, may komong kahilingan ang Tsina at Europa. Sa harap ng tunguhin ng pag-usbong ng unilateralismo at hegemonismo, kapuwa nananangan ang Tsina at Europa sa pangangalaga sa sistemang pandaigdig na ang nukleo nito ay United Nations (UN). Kinakatigan din ng magkabilang panig ang mapayapang paglutas sa mga alitan at sagupaang panrehiyon, sa pamamagitan ng diyalogo, at magkasamang pagpapasulong sa kapayapaan, kasaganaan, at sustenableng pag-unlad ng daigdig.
Sa larangan ng paglago at reporma naman, ang EU ay nananatiling pinakamalaking trade partner ng Tsina, nitong nakalipas na 15 taong singkad, at ang Tsina naman ay ika-2 trade partner ng EU. Sa harap ng alitang pangkalakalan na inilunsad ng Amerika sa buong mundo, kailangang magkakapit-bisig na pangalagaan ng Tsina at Europa ang multilateralismo at kaayusan ng malayang kalakalan batay sa mga alituntunin.
Walang humpay na humihigpit din ang kooperasyong Sino-Europeo sa aspekto ng diyalogong pangsibilisasyon.
Umaasa ang Tsina na magpupunyagi, kasama ng bagong liderato ng EU, para mapataas ang komprehensibo't estratehikong partnership ng kapuwa panig sa bagong antas. Ang pagpapalawak ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at Europa ay hindi lamang angkop sa kapakanan ng kapuwa panig, kundi makakabuti rin sa kapayapaan at kasaganaan ng daigdig.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |