|
||||||||
|
||
Hulyo 1, 2019, pagdiriwang ng ika-22 anibersaryo ng pagkabalik ng Hong Kong sa inang bayan, sinugod at buong tikis na sinira ng ilang ekstrimista ang gusali ng Legislative Council ng Hong Kong. Buong pagkakaisang kinokondena ng komunidad ng daigdig ang ganitong marahas na aksyon ng pagyurak sa pangangasiwa batay sa batas, at pagsira sa katatagan ng lipunan ng Hong Kong. Pero sa katuwiran ng kalayaan at karapatang pantao, ipinahayag ng Amerika, Britanya at Unyong Europeo (EU) na dapat igaratiya ang "karapatan sa mapayapang demonstrasyon." Ang ganitong "double standard" sa marahas na krimen ay magaslaw na pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong at mga suliraning panloob ng Tsina. Nagpahayag ang panig Tsino ng matinding kawalang-kasiyahan at buong tatag na pagtutol hinggil dito.
Ang pangangasiwa batay sa batas ay pinakamahalagang saligan ng Hong Kong. Matatandaang noong nagdaang Pebrero, sinimulan ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang pagsusog sa "dalawang ordinansa" na may kinalaman sa paglilipat ng mga nakatakas na akusado. Layon nitong hawakan ang isyu ng paglilipat at paglilitis sa mga kaukulang kaso, pasakan ang mga butas sa mga umiiral na sistemang pambatas, at iwasan ang pagiging "paraiso ng krimen" ng Hong Kong. Pagkaraang lumitaw ang magkaibang pananaw sa lipunan ng Hong Kong, at maganap ang demonstrasyon at panggugulo ng mga tutol sa pagsusog sa mga nasabing ordinansa, ipinasiya ng pamahalaan ng HKSAR na pansamantalang palugitan ang pagsusog sa mga ordinansa, upang mas malawakang pakinggan ang kuru-kuro ng iba't ibang sirkulo ng lipunan, at magkasamang pasulungin ang progreso ng pangangasiwa batay sa batas.
Pero hindi itinigil ng ilang ekstrimista ang kanilang aksyon. Ang target nila ay hindi lamang pagtutol sa pagsusog sa mga ordinansa, sa halip, tangka nilang sirain ang katatagan ng Hong Kong, upang marating ang kanilang layuning pulitikal. Ang marahas nilang aksyon ay lumayo sa baseline ng mapayapang pagpapahayag ng sariling kahilingan. Ito ay hindi lamang grabeng nagsapanganib sa kaayusan ng Hong Kong, at malubhang yumurak sa pangangasiwa batay sa batas, kundi hayagan itong paghamon sa pundasyon ng prinsipyong "Isang Bansa, Dalawang Sistema." Hinding hindi pinahihintulutan ng anumang soberanong bansa ang ganitong aksyon, at pananagutin sa batas ang sinumang may-kagagawan.
Palagiang ipinakakalat ng mga bansang kanluranin ang pangangasiwa batay sa batas. Pero sa harap ng marahas na kilos ng mga ekstrimista sa Hong Kong, ipinalalagay nilang dapat igarantiya ang "karapatan sa mapayapang demonstrasyon" ng mga marahas na akusado. Ang ganitong "double standard" na kilos ay labag sa pandaigdigang batas at pundamental na alituntunin ng relasyong pandaigdig, at nakapinsala sa soberanya at kaligtasan ng Tsina. Sa pamamagitan ng kanilang aksyon, nakikita ng mga tao na ang kalayaan at karapatang pantao ay katuwiran lang ng mga puwersang panlabas. Ang tunay nilang layunin ay makipagtulungan sa paksyong oposisyon ng Hong Kong, para hanapin ang karapatan sa pangangasiwa ng Hong Kong, sirain ang praktika ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema," at hadlangan ang pag-unlad ng Tsina.
Malinaw at buong tatag ang pakikitungo ng pamahalaang Tsino rito: ang mga suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina, at walang karapatang maki-alam dito ang anumang bansa, organisasyong panlabas, at indibiduwal. Hinding hindi magtatagumpay ang anumang tangka na makialam sa mga suliranin ng Hong Kong, at magtanim ng kaguluhan sa Tsina.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |