|
||||||||
|
||
Ipinalabas nitong Biyernes, Hulyo 12, 2019 ng Pangkalahatang Adwana ng Tsina ang datos ng pag-aangkat at pagluluwas ng kalakalang panlabas ng Tsina noong unang hati ng 2019 kung saan nakikitang umabot sa 14.67 trilyong yuan ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng bansa. Ito ay mas malaki ng 3.9% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Sa kasalukuyang paglala ng proteksyonismong pangkalakalan at pagtaas ng presyur sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, talagang hindi madaling natamo ng Tsina ang nasabing bunga. Ipinakikita nito ang napakalaking plesksibilidad ng kalakalang panlabas ng Tsina, at hindi nagbabago ang tunguhin ng matatag na paglaki ng kabuhayang Tsino.
Sa kabuuan, ang mga katangiang taglay ng pag-aangkat at pagluluwas ng kalakalang panlabas ng Tsina noong unang hati ng kasalukuyang taon, ay nakikita sa tatlong aspektong kinabibilangan ng una, pagiging mas malakas ng puwersang tagapagpalaki ng kalakalang panlabas; ikalawa, pagiging mas dibersipikado ng mga trade partner ng bansa; ikatlo, pagiging mas mabuti ng estruktura ng mga iniluluwas na produkto.
Higit sa lahat, sa kalagayan ng unilateral na paglulunsad at pagpapalala ng Amerika ng trade friction sa Tsina, noong unang hati ng kasalukuyang taon, bumaba ng 2.6% ang pagluluwas ng Tsina sa Amerika, at bumaba naman ng 25.7% ang pag-aangkat ng Tsina mula sa Tsina kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Ito ay nagpapakitang puwedeng mahalinhan ang mga produktong iniluluwas ng Amerika sa Tsina. Samantala, tumaas ng 12% ang trade surplus ng Tsina sa Amerika na nagpatunayang ang tax hike ay hindi solusyon sa problema ng kawalang-balanse ng kalakalan ng dalawang bansa.
Bukod dito, nangulo kamakailan si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa pirmihang pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina kung saan tiniyak ang mga hakbangin upang ibayo pang mapatatag ang kalakalang panlabas at mapasulong ang pag-unlad at paghanap-buhay sa pamamagitan ng pagpapalawak ng pagbubukas. Kabilang sa nasabing hakbangin ay una, dapat pabutihin ang polisya ng pinansya at taripa, at patuloy na pag-aralan ang pagpapababa ng pangkalahatang lebel ng import tariff; ikalawa, dapat palakasin ang suportang pinansyal; ikatlo, dapat pabilisin ang pag-unlad ng cross-border e-commerce, at iba pang mga bagong industriya; ikaapat, dapat pataasin ang lebel ng pagpapaginhawa ng kalakalan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |