Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Mga kasapi ng AIIB, 100 na

(GMT+08:00) 2019-07-14 16:47:10       CRI

Ipinatalastas Sabado, Hulyo 13, 2019 ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na sa ika-4 na taunang pulong ng AIIB Board of Governors sa Luxembourg, pormal na inaprobahan ang pagsapi ng Benin, Djibouti at Rwanda sa AIIB. Hanggang ngayon, 100 na ang bilang ng mga kasapi ng AIIB. Sa kalagayang nahaharap ang kabuhayang pandaigdig sa di-tiyak na elemento, ang muling pagpapalawak ng AIIB ng mga kasapi ay nagpapakitang lubos na kinikilala ng komunidad ng daigdig ang pagsisikap ng AIIB sa pagpapasulong sa konstruksyon ng imprastruktura, ginawang ambag sa sistema ng pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig, at kaisipan ng multilateralismo, pagbubukas, at pagbibigayan na iminungkahi nito. Binigyan din ng lubos na pagpapahalaga ng komunidad ng daigdig ang impluwensiya at kredibilidad ng Tsina.

Sapul nang itatag noong 2016, siyam na beses na pinalawak ng AIIB ang mga kasapi nito. Dumagdag sa 100 ang bilang ng mga kasapi, mula 57 noon. Ang mga kasapi ay, pangunahin na, mga umuunlad na bansa, at sumapi rito ang mga maunlad na bansang kinabibilangan ng Britanya, Pransya, Alemanya, at kanada.

Nitong nakalipas na 3 taon, sa pamamagitan ng pagpapabuti ng konstruksyon ng imprastruktura, ang AIIB ay nakalikha ng mas maraming pagkakataon para sa paglago ng kabuhayan ng Asya, maging ng buong mundo. Sa isang banda, nakatugon ang AIIB sa pangangailangan ng mga umuunlad na bansa sa pangingilak ng pondo, at nakapagpasulong sa pag-unlad ng kabuhayan sa lokalidad; sa kabilang bandan naman, nakatugon din ito sa pangangailangan sa pamumuhunan ng mga kasapi na kinabibilangan ng mga maunlad na bansa.

Ang ginawang bagong ambag ng AIIB para sa sistema ng pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig ay malawakang pinupurihan din ng komunidad ng daigdig. May karamihan ng mga share at medyo malaking kapangyarihan sa diskurso sa AIIB ang mga umuunlad na bansa, maaari nitong pasulungin ang pag-unlad ng Sistema ng pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig, tungos sa mas makatarungan, makatwiran, at mabisang direksyon. Pero walang intensyon ang AIIB na humalili sa ibang multilateral na bangko ng pagdedebelop, isinagawa nito ang mabuting pagkokompleto lang sa umiiral na mekanismong pandaigdig.

Ang mga kasapi ng AIIB ay mula sa iba't ibang kontinente, na kinabibilangan ng mga maunlad na ekonomiya na maaaring magkaloob ng pondo at teknolohiya, pati rin ng mga umuunlad na ekonomiyang kulang sa imprastruktura, kaya sa maikling panahon, malawakang kinikilala ng komunidad ng daigdig ang pagbubukas, pagbibigayan, at core values ng AIIB.

Ang AIIB ay hindi lamang bunga ng pandaigdigang kooperasyong pinansyal sa ilalim ng pagmumungkahi ng Tsina, kundi pandaigdigang produktong pampubliko rin na ipinagkaloob ng Tsina para sa buong mundo. Nitong nakalipas na 3 taon, ipinatupad ng pamahalaang Tsino ang mga pangako nito sa pagkatig sa takbo at pag-unlad ng AIIB, at hindi kailanma'y nakialam sa pang-araw-araw na gawain ng mga departamento ng administrasyon ng AIIB. Ang mga desisyon ng AIIB ay hinding hindi ipinapasiya ng Tsina lang. Ang nasabing mga pagsisikap ay naggarantiya sa nagsasariling pagpapatakbo ng AIIB, ayon sa alituntunin ng organong pandaigdig, at nakahikayat din ng mas maraming kasapi. Tulad ng sabi ni Joachim von Amsberg, Aleman Pangalawang Presidente ng AIIB, "napakaresponsableng malaking share holder ng Tsina."

Inaasahan ng mga tao na patuloy na tatakbo ang AIIB batay sa mataas na pamantayan, para mapasulong ang kabuhayan ng Asya at daigdig, at gawin ang mas malaking ambag para sa pagsasayos sa kabuhayang pandaigdig.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>