|
||||||||
|
||
Ipinakikita ng mga estadistikang ito, na lumalalim ang integrasyon ng Tsina at daigdig, at sa prosesong ito, lumalakas ang papel ng Tsina sa pagpapasulong sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at tumitibay naman ang kompiyansa ng daigdig sa kabuhayang Tsino.
Tatlo ang mga pangunahing elemento sa kabuhayang Tsino na nagdulot ng nabanggit na kalagayan.
Una, ang saklaw ng pamilihang pangkonsumo at bilang ng populasyong may katamtamang lebel na kita ay pinakamalaki sa buong daigdig. Samantala, mabuti ang tunguhin ng paglaki pa ng konsumo sa Tsina. Ang mga ito ay walang humpay na nagdudulot ng lakas-tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Ikalawa, ang Tsina ay siyang tanging bansa sa buong mundo na may kompletong kategorya ng industriya, at malaki ang bentahe ng supply chain ng Tsina. Dahil dito, may tiyak na umaasa sa Tsina ang halos lahat ng mga industriya ng daigdig.
Ikatlo, ang pamumuhunang panlabas ng Tsina ay gumaganap din ng mahalagang papel para sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig. Ang Tsina ay ikalawang pinakamalaking pinanggagalingan ng Foreign Direct Investment ng daigdig, at ang pamumuhanan ng Tsina ay nagdudulot ng aktuwal na kapakinabangan sa mga bansang tumanggap ng mga ito. Sa pamamagitan nito, humihigpit ang ugnayang pangkabuhayan sa pagitan ng Tsina at daigdig.
Ang pag-unlad ng Tsina ay hindi dapat ihiwalay sa daigdig, at ang kasaganaan at katatagan ng daigdig ay nangangailangan naman ng Tsina. Sa proseso ng tuluy-tuloy na integrasyon, gumaganap ang Tsina ng palaki nang palaking papel para sa daigdig. Sa hinaharap, patuloy na isasagawa nang mabuti ng Tsina ang sariling mga suliranin, at palalakasin din ang pakikipag-ugnayan sa daigdig sa pamamagitan ng pagpapalalim ng reporma at pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, para magbigay ng bagong ambag sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Liu Kai
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |