Ipinahayag kahapon, Lunes, ika-15 ng Hulyo 2019, sa Beijing, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hindi makikipagpalagayan ang pamahalaan at mga kompanyang Tsino sa mga kompanyang Amerikano na sangkot sa pagbebenta ng mga sandata sa Taiwan.
Noong isang linggo, pagkaraang ilabas ng Amerika ang mahigit 2.2 bilyong Dolyares na plano ng pagbebenta ng mga sandata sa Taiwan, kinumpirma ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagpataw ng sangsyon laban sa mga kompanyang Amerikanong sangkot sa planong ito.
Kaugnay nito, inulit ni Geng, na ang naturang aksyon ng panig Tsino ay para pangalagaan ang mga kapakanan ng bansa. Dagdag niya, ang pagbebenta ng mga sandata ng Amerika sa Taiwan ay labag sa pandaigdig na batas at mga saligang norma sa relasyong pandaigdig, at salungat sa prinsipyong "Isang Tsina" at tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika. Makapinsala rin ito aniya sa soberanya at pambansang seguridad ng Tsina.
Salin: Liu Kai