|
||||||||
|
||
Ayon sa impormasyong inilabas Lunes, Hulyo 15, 2019 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong unang hati ng taong ito, halos 45.09 trilyong yuan RMB ang Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina, at ito ay lumaki ng 6.3% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Sa pagharap ng kabuhayang pandaigdig sa unilateralismo at proteksyonismo, nananatiling matatag sa kabuuan at may paglago ang kabuhayang Tsino.
Noong isang taon, dahil sa pagdami ng di-matatag at di-tiyak na elemento sa labas ng bansa, lumaki ang presyur ng pagbaba ng kabuhayang Tsino. Kahit ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayan noong ika-2 kuwarter ng taong ito ay mas mabagal kumpara sa bahagdan noong unang kuwarter. Ang nasabing paglaki ng kabuhayan ay hindi lumampas sa 6% hanggang 6.5% pagtaya ng kabuhayan sa buong taon na itinakda ng pamahalaang Tsino. Pero ito'y angkop sa inaasahang panahon ng pagbabago ng mabilis na paglago ng kabuhayang Tsino, tungo sa de-kalidad na pag-unlad. Sa kasalukuyan, datapuwa't hindi inilabas ng maraming bansa ang datos ng kabuhayan noong unang hati ng taong ito, ayon sa kaukulang pagtaya ng mga organisasyong pandaigdig, nangunguna pa rin sa mga pangunahing ekonomiya sa daigdig ang 6.3% bahagdan ng kabuhayang Tsino. Sa kasalukuyan, umabot sa 30% ang contribution rate ng Tsina sa paglago ng kabuhayang pandaigdig, at sa hinaharap, mananatili pa rin itong malaking lakas-panulak ng kabuhayang pandaigdig.
Sa ilalim ng masalimuot na kapaligirang pandaigdig, ang walang humpay na paglago ng kabuhayang Tsino tungo sa de-kalidad na pag-unlad ay sanhi ng magkasamang pagsisikap ng pamahalaan at mga bahay-kalakal na Tsino. Sa isang banda, iginigiit ng pamahalaang Tsino ang pagsasagawa ng proaktibong patakarang piskal at matatag na patakarang pansalapi. Ang paglulunsad ng isang serye ng mga hakbangin na gaya ng pagbabawas ng halos 2 trilyong yuan RMB na buwis sa buong taon ay naggarantiya sa pagtakbo ng kabuhayang Tsino sa magkatwirang digri.
Sa kabilang banda naman, masusing sumulong ang hakbang ng reporma sa pagsasapamilihan ng mga bahay-kalakal na ari ng estado ng Tsina, at tuluy-tuloy na sumusulong ang estratehikong pagrere-organisa ng mga bahay-kalakal; walang humpay na pumasok sa bagong larangang pangkabuhayan ang mga pribadong bahay-kalakal, at ini-upgrade ang mga tradisyonal na industriya, sa pamamagitan ng bagong teknolohiya; lubos na kinikilala ng mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng puhunang dayuhan ang isang serye ng mga hakbangin ng Tsina sa pagbubukas sa labas, at pinapabilis ang pagpasok sa Tsina o pagpapaibayo ng pamumuhunan sa Tsina. Noong unang hati ng taong ito, lumaki ng 7.2% ang puhunang dayuhan na inilagak sa Tsina, bagay na nagpapakitang may sapat na kompiyansa sa kabuhayang Tsino ang komunidad ng daigdig.
Ang kasalukuyang taon ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, at masusing taon din para sa pagtiyak ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ng komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan. Kahit bumagal ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig, kasiya-siya sa kabuuan ang resulta ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino noong unang hati ng taong ito. Ito ay lubos na nagpapakitang may kakayahan ang Tsina na isakatuparan ang target ng paglago sa buong taon, ayon sa nakatakdang iskedyul, at may katwiran ang daigdig na bigyan-kompiyansa ang kabuhayang Tsino.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |