Sa isang bukas na liham na inilabas kamakailan, sinabi ng mga pulitikong Amerikano, na ginagamit ng Tsina ang kapakanang pangkabuhayan bilang pang-akit sa mga kaalyado ng Amerika at mga ibang bansa, para palawakin ang impluwensiya nito sa buong daigdig. Ito ay tahas na pagdungis ng panig Amerikano sa pagkalat ng Tsina sa daigdig ng benepisyong dulot ng pag-unlad ng kabuhayan nito. Ipinakikita rin nito ang pangingimbulo ng panig Amerikano sa paglakas ng puwersang pangkabuhayan ng Tsina.
Nitong ilang taong nakalipas, nananatiling mahigit 30% ang contribution rate ng kabuhayang Tsino sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at ang bilang na ito ay nasa unang puwesto sa daigdig. Ang napakalaking pamilihang Tsino ay nagdulot ng malaking tubo sa mga transnasyonal na kompanya, ang kumpletong industrial chain ng Tsina ay nagbigay ng ambag sa pagpapalakas ng kakayahang produktibo ng daigdig, ang pangangailangan at pamumuhunan ng Tsina ay lumikha ng maraming hanapbuhay sa iba't ibang bansa, at ang pagbabahagi ng Tsina ng mga sulong na teknolohiya sa iba't ibang bansa ay makakatulong din sa paghubog ng lakas na kompetetibo ng daigdig. Samantala, noong 2013, iniharap ng Tsina ang Belt and Road Initiative, at layon nitong pasulungin ang paglahok ng mas maraming bansa at rehiyon sa globalisasyong pangkabuhayan.
Taliwas dito, nitong ilang taong nakalipas, isinasagawa ng Amerika ang unilateralismo at proteksyonismo. Halimbawa, ang pagdaragdag ng Amerika ng taripa at paglalagay ng trade barrier sa ibang bansa ay nagdudulot ng malaking negatibong epekto sa kalakalan, pamumuhunan, at kabuhayan ng daigdig. Ang pagpapalakas nito ng pagsusuri sa pamumuhunang dayuhan sa pangangatwiran ng "pambansang seguridad" ay nagpapahina ng kompiyansa ng mga mamumuhunan ng daigdig. At ang pagpapabagsak ng Amerika ng mga kompanyang panteknolohiya ng Tsina at pagpataw ng presyur sa ibang bansa na hindi gamitin ang mga teknolohiya ng mga kompanyang Tsino ay nagpapabagal din ng pandaigdig na pag-unlad ng siyensiya at teknolohiya. Sa katotohanan, ang Amerika ay tunay na hadlang sa pagtutulungan at pag-unlad ng iba't ibang bansa ng daigdig.
Salin: Liu Kai