Ipinalabas kamakailan ng China Society for Human Rights Studies (CSHRS), ang artikulo na pinamagatang "The Deep-Rooted Racial Discrimination in the US Highlights Its Hypocrisy on Human Rights", na naglantad sa pagkukunwaring patas ng Amerika sa isyu ng karapatang pantao.
Ayon sa artikulo, ang racial discrimination sa Amerika ay, sa katotohanan, diskriminasyon ng mga puti sa ibang lahi. Tinukoy ng artikulo na ang racial discrimination ng Amerika ay ipinakikita sa bawat larangan ng aktuwal na buhay, partikular na, sa hudikatura, pagpapatupad ng batas, kabuhayan, at lipunan. Tinukoy ng artikulo na ang racial discrimination ng Amerika ay nagdulot na ng grabeng bungan ng panlipunan. Dahil sa racial discrimination, walang humpay na lumalala ang relasyon sa pagitan ng mga lahi, at dumarami ang mga krimeng dulot ng pagkamuhi.
Sa katotohanan, ang problema ng Amerika sa karapatang pantao ay ipinakikita rin sa pandaigdig na plataporma. Itinataguyod nito ang di-umanong "nangingibabaw ang karapatang pantao sa soberanya," at sinusulsulan sa ibang bansa ang kontradiksyon at sagupaang rasyal. Umurong ito sa United Nations Human Rights Council at proseso ng pagbalangkas ng Global Compact for Migration, at hindi ring lumalahok sa mga pangunahing dokumento ng UN hinggil sa karapatang pantao, na gaya ng International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights, Convention on the Rights of the Child, at Convention on the Rights of Persons with Disabilities. Samantala, inilabas taun-taon ng Amerika ang ulat hinggil sa kalagayan ng karapatang pantao ng halos 200 bansa ng daigdig, kung saan walang habas na bumatikos sa kalagayan ng karapatang pantao ng ibang bansa.
Nagbubulag-bulag ang Amerika sa sariling mga problema ng karapatang pantao, at ginagamit nito ang isyu ng karapatang pantao bilang paraan ng paghahangad ng hegemonya. Dapat itigil ng Amerika ang walang-katwirang aksyong ito, at lutasin muna ang sariling mga problema sa karapatang pantao.
Salin: Liu Kai