|
||||||||
|
||
Mahigpit ang pangangasiwa at pagkontrol ng Tsina sa mga baril, at tatanggap ng kaparusahang kriminal alinsunod sa batas ang mga taong lumabag sa batas sa pangangasiwa sa baril ng Tsina, pagyari, pagbili, pagbebenta o paghahatid ng baril nang walang pahintulot. Dapat sundin ng anumang express company sa Tsina at kani-kanilang manggagawa ang kaukulang batas at alituntunin ng Tsina, at huwag maging tsanel ng ilegal na pagbili at pagbebenta ng baril.
Lampas sa 30 taon ang operasyon ng negosyo ng FedEx sa Tsina, at dapat maging pamilyar ito sa mga batas at alituntunin ng Tsina, at sundin ang norma ng industriya. Pero sapul nang ilakip ng pamahalaang Amerikano ang Huawei Technologies Co. Ltd, telecommunication giant ng Tsina, sa entity list ng limitasyon sa pagluluwas noong nagdaang Mayo, ilang beses na ginalaw ng FedEx ang mga pakete ng Huawei, at pinaghihinalaan itong sinasadyang nakipagkoordina sa long arm jurisdiction ng pamahalaang Amerikano.
Upang imbestigahan ang katotohanan, pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga kliyente alinsunod sa batas, at pabutihin ang kapaligirang pangnegosyo, noong Hunyo 1, sinimulan ng kaukulang departamento ng Tsina ang imbestigasyon sa kaso ng FedEx. Ayon sa resulta ng unang yugto ng imbestigasyon na isinapubliko noong Hulyo 26, hindi magkatugma sa katotohanan ang pananalita ng FedEx na ang paghahatid ng mga pakete ng Huawei sa Amerika, sa halip ng dapat na destinasyon sa Asya, ay "maling paghawak," pinaghihinalaan nitong sinubukang ipagpaliban ang pagpasok sa Tsina ng mahigit 100 parsel na ipinadala ng Huawei. Samantala, natuklasan ang ibang impormasyong may kinalaman sa mga aktibidad ng FedEx na ilegal o labag sa alituntunin.
Sa panahon ng imbestigasyon, ilegal na inihatid ng FedEx ang baril sa Tsina. Ito ay muling nagpapatunay na bilang delivery giant ng Amerika, ang mga kilos ng FedEx ay grabeng nakapinsala sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga kliyente, nagsapanganib sa seguridad na pampubliko ng Tsina, at lumabag sa batas at alituntunin ng Tsina. Bilang isang bansang pinangangasiwaan alinsunod sa batas, walang karapatan sa labas ng batas ang anumang bahay-kalakal at indibiduwal.
Winewelkam ng Tsina ang pamumuhunan ng iba't ibang bansa sa Tsina, pero ang paunang kondisyon ay dapat sundin ang mga batas at alituntunin ng Tsina, at sundin ang mga regulasyon ng pamilihan at diwa ng kasunduan. Sa kasalukuyan, itinatag na ng Tsina ang sistema ng Unreliable Entity List, at isasagawa ang anumang kinakailangang hakbanging pambatas at administratibo sa mga entidad sa listahan, ayon sa kaukulang batas at alituntunin. Tiyak na may kabayaran ang anumang aksyong humamak at humamon sa awtoridad ng mga batas at alituntunin ng Tsina.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |