Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paghihiwalay ng kabuhayan ng Tsina at Amerika, tinututulan ng iba't ibang panig--tagapagsalitang Tsino

(GMT+08:00) 2019-08-27 14:49:20       CRI
Sinabi kamakailan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na dapat maghanap ang mga kompanyang Amerikano ng kahaliling plano para sa kanilang negosyo sa Tsina, na gaya ng pag-alis ng bansang ito at pagbalik sa Amerika. Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Lunes, ika-26 ng Agosto 2019, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang palagay na ito ay labag sa mga prinsipyo ng market economy, malayang kompetisyon, at globalisasyong pangkabuhayan. Ito aniya ay tututulan ng lahat ng may kinalamang panig.

Sinabi ni Geng, na bilang reaksyon sa nabanggit na pananalita ni Trump, bumaba ang stock market at presyo ng mga pangunahing paninda ng Amerika, ipinahayag ng iba't ibang sektor ng Amerika ang pagtutol, at ipinahayag naman ng komunidad ng daigdig ang pagkabahala. Aniya, ang paghihiwalay ng kabuhayan ng Tsina at Amerika ay magbabanta sa kaligtasan ng global industrial chain at supply chain, magdudulot ng kaligaligan sa pandaigdig na pamilihang pinansyal, at makakaapekto sa paglaki ng pandaigdig na kabuhayan at kalakalan. Inulit din niyang, ang paghihilaway sa kabuhayang Tsino ay nangangahulugan ng paghihiwalay sa pagkakataon, daigdig, at kinabukasan.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>