Ipinahayag kahapon, Lunes, ika-2 ng Setyembre 2019, ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na bilang tugon sa panibagong pagpapataw ng Amerika ng 15% karagdagang taripa sa unang bahagi ng 300 bilyong Dolyares na panindang Tsino, na sinimulan Setyembre 1, iniharap na ng Tsina ang sakdal sa ilalim ng mekanismo ng paglutas sa hidwaan ng World Trade Organization (WTO).
Sinabi rin ng nabanggit na tagapagsalita, na ipinahayag ng Tsina ang lubos na kawalang-kasiyahan at mariing pagtutol sa naturang hakbangin ng Amerika na grabeng labag sa komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa sa Osaka, Hapon. Batay sa mga tuntunin ng WTO, buong tatag na pangangalagaan ng Tsina ang sariling mga lehitimong kapakanan, at buong lakas na ipagtatanggol ang sistema ng multilateral na kalakalan at kaayusan ng kalakalang pandaigdig, dagdag ng tagapagsalita.
Salin: Liu Kai