Magkakahiwalay na nakipagtagpo, kahapon, Biyernes, ika-20 ng Setyembre 2019, sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, si Han Zheng, Pangalawang Premyer Tsino, sa mga lider ng ilang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na kalahok sa Ika-16 na China-ASEAN Expo (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS).
Ang naturang mga dayuhang lider ay kinabibilangan nina Pangalawang Pangulong Myint Swe ng Myanmar, Pangalawang Punong Ministro Vu Duc Dam ng Biyetnam, Pangalawang Punong Ministro Hor Nam Hong ng Kambodya, Pangalawang Punong Ministro Sonexay Siphandone ng Laos, Pangalawang Punong Ministro ng Ministro ng Komersyo Jurin Laksanawisit ng Thailand, at Espesyal na Sugo ng Pangulo at Coordinating Minister for Maritime Affairs Luhut Binsar Pandjaitan ng Indonesya.
Nakipagpalitan ng palagay si Han sa nabanggit na mga lider, hinggil sa bilateral na relasyon at kooperasyon, at koordinasyon ng Belt and Road Initiative at mga estratehiyang pangkaunlaran ng kani-kanilang bansa at ASEAN.
Salin: Liu Kai