Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Tsina, magdaragdag ng positibong elemento sa usapin ng klima

(GMT+08:00) 2019-09-25 13:17:07       CRI
Bilang espesyal na sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, lumahok si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas, sa Climate Action Summit ng United Nations (UN), na idinaos nitong Lunes, ika-23 ng Setyembre 2019, sa New York.

Ipinahayag ni Wang, na buong taimtim na ipapatupad ng Tsina ang mga obligasyon nito sa ilalim ng UN Framework Convention on Climate Change at Paris Agreement, at isasakatuparan batay sa iskedyul ang mga nakatakdang target bilang ambag sa pandaigdig na pagharap sa pagbabago ng klima. Ito ay isa pang pahayag ng Tsina sa pandaigdig na okasyon hinggil sa pagpapatupad ng mga pangko sa pagharap sa pagbabago ng klima, at ipinakikita nito ang determinasyon at tungkulin ng Tsina sa isyung ito, bilang isang responsableng malaking bansa.

Sa panahon ng kasalukuyang summit, bukod sa pagpapalabas ng nabanggit na pahayag, bilang bansang tagapagkoordina, ini-organisa rin ng Tsina ang pagtalakay hinggil sa pagharap sa pagbabago ng klima sa pamamagitan ng mga solusyon batay sa kalikasan. Kaugnay ng mga ambag ng Tsina sa summit, sinabi ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng UN, na napakahalaga ng namumunong papel ng Tsina sa aspekto ng mga aksyon bilang tugon sa pagbabago ng klima.

Sa kasalukuyan, pumasok sa masusing yugto ang pandaigdig na pagharap sa pagbabago ng klima. Ang prinsipyo hinggil sa komon pero magkakaibang responsibilidad ng mga maunlad at umuunlad na bansa ay nananatiling mahalagang tuntuning dapat tumpak na sundin. Sa isang multilateral na prosesong ito, ang paggigiit ng Tsina sa berdeng pag-unlad at pangangalaga sa ekolohiya ay patuloy na magdaragdag ng mga positibong elemento sa usaping ito.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>