Ayon sa pinakahuling estadistika ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong unang 8 buwan ng taong 2019, umabot sa 20.13 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng kalakalan ng paninda ng Tsina, at ito ay lumaki ng 3.6% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Nagpapakita itong hindi nagbabago ang pangmalayuang batayan ng pagganda ng kabuhayang Tsino, at hindi rin nagbabago ang tunguhin ng walang humpay at matatag na pag-a-upgrade nito, bagay na nagpapakita ng napalaking kakayahang bumangon at potensyal.
Ang buong tatag na pagpapalawak ng Tsina ng pagbubukas ay nakapagpatingkad ng lakas-panulak para sa pag-unlad ng kalakalang panlabas ng Tsina. Samantala, ang walang humpay na paglakas ng internal driving force ng mga bahay-kalakal na Tsino ay nagsisilbi ring mahalagang suporta sa kalakalang panlabas.
Sa kalagayang lipos ng di-tiyak na elemento ang kapaligirang panlabas, ang matatag na pag-a-upgrade ng kalakalang panlabas ng Tsina ay makakabuti sa ibayo pang pagpapabilis ng mga bahay-kalakal ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya, pagpapataas ng added value ng mga produkto, pagpapataas ng produktibidad, at pagpapalakas ng kakayahan sa pagpigil sa panganib. Kahit anumang napakalaking pagbabago ang nangyayari sa labas, buong tatag na susulong ang kabuhayang Tsino tungo sa de-kalidad na pag-unlad.
Salin:Vera