Sinang-ayunan ngayong araw ng Tsina at Amerika, na idaraos sa unang dako ng Oktubre sa Washington D.C. ang ika-13 round ng mataas na pagsasanggunian sa kabuhayan at kalakalan. Sa ilalim ng background na lumalala ang alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika, ang desisyong ito ay makatugon sa mithiin ng mga mamamayan ng dalawang bansa, angkop sa pag-asa ng komunidad ng daigdig, at nagsisilbing positibong signal.
Ang tuluy-tuloy na pagdaragdag ng taripa ay hindi solusyon sa alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika, at malulutas lamang ang alitang ito sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian. Ang kahandaan ng Tsina na ipagpatuloy ang pagsasanggunian ay nagpapakita ng responsableng atityud sa paglutas sa alitan, at ang layon nitong bawasan ang mga negatibong epekto sa iba't ibang panig na dulot ng trade war.
Para sa pagsasanggunian, dapat magkaroon ang Tsina at Amerika ng katapatan at aktuwal na aksyon. Dapat igiit ng dalawang panig ang mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa sa Buenos Aires, Argentina, at Osaka, Hapon. Kung positibong tutugunin ng kapwa panig ang pagsisikap ng isa't isa, at laging itatakda bilang target ang pagtutulungan at win-win result, lalapit sila sa paglutas sa alitang pangkalakalan.
Salin: Liu Kai