Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Tsina, laging positibong elemento sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig

(GMT+08:00) 2019-09-30 21:44:12       CRI
Noong 2009, inilabas ni Martin Jacques, iskolar na Britaniko, ang aklat na may pamagat na "When China Rules the World: The Rise of the Middle Kingdom and the End of the Western World." Ang isang pangunahing pananaw sa aklat ay dahil nagkakaiba ang kasaysayan at kultura ng Tsina sa mga bansang kanluranin, tatahak ang Tsina ng nagkakaibang landas tungo sa modernisasyon, at malaliman nitong babaguhin ang kayarian ng daigdig. Pagkaraan ng 10 taon, sa kasalukuyan, napapatunayang tumpak ang pananaw na ito.

Kamakailan, inilabas ng pamahalaang Tsino ang white paper na "Tsina at Daigdig sa Bagong Era." Ayon sa white paper, nitong 70 taong nakalipas sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina, sa pamamagitan ng sariling pagsisikap ng mga mamamayang Tsino, isinakatuparan ng Tsina ang sariling pag-unlad, at binigyan din ng positibong elemento ang kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.

Ang mapayapang pag-unlad ay saligang prinsipyong laging iginigiit ng Tsina. Pagkaraang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina, itinakda ng pamahalaang Tsino ang nagsasariling mapayapang patakarang panlabas, at iniharap kasama ng Indya at Myanmar ang limang simulain ng mapayapang pakikipamuhayan. Nitong ilang taong nakalipas, iniharap din ng Tsina ang mga ideyang nakakatanaw sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig na gaya ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, at Belt and Road Initiative. Dahil sa mga ito, sinabi ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations, na ang Tsina ay mahalagang bahagi ng mga usapin ng UN, at mahalaga ring tagapagtaguyod ng pandaigdig na kooperasyon at multilateralismo.

Ang landas ng pag-unlad ng Republika ng Bayan ng Tsina nitong 70 taong nakalipas ay nagpapakitang iginigiit nito ang mapayapang pag-unlad, pinapasulong ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation ng komunidad ng daigdig, at hindi inuulit ang dating kagawiang isagawa ng isang bansa ang hegemonya pagkaraang maging malakas ito. Batay sa mapayapang pag-unlad, kahit nagiging malakas ng Tsina, hindi itong lilikha ng banta sa anumang bansa, at dinudulot nito lamang ang mga pagkakataon. Ang Tsina ay laging nagiging positibong elemento sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>