Inilabas kamakailan ang listahan ng Top 500 Chinese Enterprises sa taong 2019. Kumpara sa taong 2018, tuluy-tuloy at may kabilisang lumalago ang saklaw ng mga bahay-kalakal sa listahang ito, at tumataas din ang kanilang impluwensiyang pandaigdig. Sa ilalim ng kasalukuyang masalimuot at matinding kalagayang pangkabuhayan, napakahirap para mga bahay-kalakal na Tsino na panatilihin ang matatag na paglaki.
Ito ang 18 taong singkad na pagpapalabas ng Tsina ng listahan ng Top 500 Chinese Enterprises. Ang listahang ito ay hindi lamang awtorisadong reperensya sa komprehensibong pananaliksik at pagtasa sa pangkalahatang puwersa ng mga bahay-kalakal na Tsino, kundi nagpapakita rin ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Ayon sa listahan sa taong 2019, nagsilbing keyword ng mga bahay-kalakal na Tsino ang paglago: halos 80 trilyong yuan RMB ang kita ng mga top 500 enterprise, at ito ay lumaki ng 11.14% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Samantala, halos 300 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng kanilang ari-arian, na lumaki ng mahigit 9%; at umabot sa mahigit 976.5 bilyong yuan RMB ang laang-gugulin sa pananaliksik at pagdedebelop, na lumaki ng 21.71%. Samantala, tuluy-tuloy ring tumaas ang pamantayan sa pagpasok sa nasabing listahan nitong nakalipas na 17 taong singkad, at dumarami ang bilang ng mga bahay-kalakal na may lampas sa 100 bilyong yuan RMB na kita.
Ang matatag na pag-unlad ng mga bahay-kalakal na Tsino sa harap ng di-paborableng kalagayang pandaigdig ay bunga ng ibayo pang pagpapalalim ng Tsina ng reporma, at pagpapalawak ng pagbubukas. Isa ring dahilan ay ang palagiang paggigiit ng mga bahay-kalakal na Tsino sa inobasyon, at pagpapabilis ng pagbabago at pag-a-upgrade ng estruktura, nitong nakalipas na mahabang panahon.
Salin: Vera