Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Diplomasya ng lider na Tsino sa 2019: Kooperasyon ng BRI, pinasulong ni Xi Jinping

(GMT+08:00) 2019-12-27 17:23:34       CRI
Sa 2019, pumasok sa ika-6 na taon ang Belt and Road Initiative (BRI). Nitong 6 na taong nakalipas, sa pamamagitan ng 197 dokumentong pangkooperasyon, lumahok sa kooperasyon ng BRI ang Tsina, 137 iba pang bansa ng daigdig, at 30 organisasyong pandaigdig. Nagbibigay ito ng bagong sigla sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.

Ang kooperasyon ng BRI ay isa sa mga pangunahing paksa ng mga aktibdiad na diplomatiko ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa 2019.

Noong Marso ng taong ito, sa biyahe ni Xi sa Italya, nilagdaan ng dalawang bansa ang memorandum hinggil sa magkasamang pagpapasulong ng kooperasyon ng BRI. Sa kanya namang biyahe sa Greece noong Nobyembre, bumisita si Xi sa mga lugar kung saan isinasagawa ang mga proyektong pangkooperasyon ng BRI.

Idinaos naman noong Abril sa Beijing ang Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation, at lumahok dito ang mahigit 6 na libong personahe mula sa 150 bansa at 92 organisasyong pandaigdig. Sa porum, iniharap ni Xi ang de-kalidad na pag-unlad ng kooperasyon ng BRI. Iminungkahi niyang pasulungin ang mga proyektong pangkooperasyon ng BRI sa mga may priyoridad na aspekto. Ipinatalastas din ni Xi ang limang hakbangin ng Tsina ng pagpapalawak ng reporma at pagbubukas sa labas. Ang mga ito ay hindi lamang nagturo ng direksyon ng pag-unlad ng BRI sa hinaharap, kundi rin nagbigay ng sigla sa ibayo pang pagpapalalim ng kooperasyong pandaigdig.

Sa pamamagitan ng BRI, muling ipinakikita ng Tsina sa daigdig ang determinasyon sa pagbabahagi ng pagkakataong pangkaunlaran sa pamamagitan ng kooperasyon. Tulad ng sinabi ni Xi, mas marami ang kalahok sa BRI, mas mataas ang kalidad ng koopersayon, at mas maganda ang kinabukasan ng pag-unlad ng buong daigdig.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>