![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Bilang "taunang piyestang kultural" ng mga Tsino sa buong daidig, sa porma ng live movie, mapapanood sa kauna-unahang pagkakataon, ang 2020 Spring Festival Gala na gawa ng China Media Group (CMG) sa mga sinehan, at ipalalabas ito sa publiko sa angkop na panahon.
Nitong Huwebes, Enero 23, 2020, idinaos sa Beijing ang news briefing tungkol sa nasabing live movie na dinaluhan nina Shen Haixiong, Presidente ng CMG, at opisyal ng National Ethnic Affairs Commission of the People's Republic ng Tsina.
Sa proseso ng pagsasalin at paggawa ng nasabing live movie, gagamitin nito ang apat na diyalektong Tsino at limang wika ng pambansang minoriya sa pagsasalin at paggawa para maisakatuparan ang buong pagsaklaw sa rehiyon, mamamayan, medium, at tsanel at ang pinakamalaking bisa ng pagpapalaganap. Bukod dito, isasapubliko ang pelikulang "2020 Spring Festival Gala" sa multi-languages sa napapanahong oras.
Gagamitin din ang mga modernong teknolohiya sa paggawa ng nasabing pelikula para magkaloob ng napakagandang karanasan sa mga manonood.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |