Ipinahayag kamakailan ng mga personahe ng iba't ibang sirkulo ng Hong Kong na ang pagtatatag at pagkumpleto ng sistemang pambatas at mekanismo ng pagpapatupad para sa pagtatanggol sa pambansang seguridad sa Hong Kong ay makakatulong sa mas mainam na pangangalaga sa pambansang seguridad, paggarantiya sa pagpapatupad ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema" sa Hong Kong, at pagpapanatili ng pangmalayuang katatagan at masaganang pag-unlad ng Hong Kong.

Si Tung Chee-hwa
Sa kanyang TV speech nitong Lunes, Mayo 25, 2020, komprehensibo't malalimang inanalisa ni Tung Chee-hwa, dating Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang kahalagahan at pangangailangan ng national security legislation ng Hong Kong.
Nanawagan si Tung sa mga taga-Hong Kong na katigan ang nasabing lehislasyon para sa komong kabiyayaan, at igarantiya ang matatag at pangmalayuang pagpapatupad ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema."
Samantala, nitong nakalipas na dalawang araw, sunud-sunod na ipinahayag ng mga departamento ng HKSAR na gaya ng Security Bureau, limang disciplinary forces, Police Force, Correctional Services Department, Adwana, Immigration Department at Fire Service Department ang kani-kanilang suporta sa pagsusuri ng National People's Congress (NPC) ng Tsina sa panukalang batas hinggil sa pagtatatag at pagpapabuti ng sistemang pambatas at mekanismo ng pagpapatupad para sa pagtatanggol sa pambansang seguridad sa Hong Kong.
Salin: Vera