|
||||||||
|
||
MPST20131218RafaelaChen.m4a
|
Noong dekada 80 dominado ng mga 5-star hotels mula sa kanluran ang industriya sa loob ng Tsina. Pagdating sa pagpapatakbo ng international hotels, malaki ang pangangailangan para sa expertise ng mga dayuhan.
Ang pagkakataong ito ang umakit kay Rafaela "Apples" Chen na tanggapin ang hamon na alok ng Tsina sa kanya. Sa kasalukuyan General Manager siya ng International Hoteliers and Associates Shanghai Ltd. na nasa ilalim ng Jinjiang Hotels Group. Consultant din siya sa Huating Hotel and Towers. Ang Tsina ang kanyang naging pangalawang bayan nitong nakaraang 30 taon.
1985 sinimulan nya ang bagong yugto ng kanyang karera bilang trainor sa mga Chinese hotelier na kaunti o halos walang kaalaman sa larangang ito. Di man nakapagsasalita ng Mandarin, tinanggap niya ang trabaho sa isang international hotel sa Shekou, Shenzhen. Ani Chen "The language is not a barrier, for me it's (about giving) hope to everybody that they can do better especially if they have proper training." At ang prinsipyong ito ang isa sa mariing pinaninindigan niya.
Patunay sa kanyang kontribusyon napabilang siya "Top 100 People Influencing the Chinese Hotel Industry" isang pagkilala ng pamahalaang Tsina na iginawad noong 2008. Siya lang ang nag-iisang Pilipino.
Ilang dekada ang lumipas patuloy pa ring in-demand ang kanyang expertise o galing at talino sa pagpapatakbo ng mga hotel sa Shanghai.
Bagamat isang "guilao" o nag-iisang dayuhan sa kanyang kompanya na di marunong magsalita ng wikang Tsino, patuloy niyang iginigiit ang kahalagahan ng pagsasalita ng Ingles. Ito'y para na rin sa maayos na pakikipag-ugnayan ng mga staff sa mga dayuhang bisita ng hotel.
Matapos makapagbukas ng 10 properties sa Tsina na kinabibilangan ng Novotel, Radisson, Sheraton, Ramada, Eaton at marami pang iba, ano pa ang pangarap ni Rafaela Chen? Tugon niya, " My dream is to have my own hotel (laughs) but that's impossible. But I think my dreams, Im already seeing my dreams that the locals will be the future hoteliers in China. Some of them have already become General Manager or they have been division heads, department heads. And I think they can run their own properties in the near future. That was dream before and Im seeing them now."
Ano naman ang payo niya sa mga Pilipino na nais sumunod sa kanyang mga yapak at nangangarp na matamo rin ang katulad na tagumpay? Ani Chen, "They have first to respect the country respect the people and respect the culture. Then they can continue. If they don't forget about it."
Paggalang, pagsunod sa mataas na pandaigdigang pamantayan at malalim na kaalaman sa kultura at pag-iisip ng mga taong katrabo ang ilan sa mga dahilan kung bakit tumagal at patuloy na nagiging matagumpay ang career ni Rafaela Chen sa Tsina. At sa patuloy na pag-usad ng hotel industry ng bansa, tiyak ang malaking papel pa rin ang gagampanan niya.
Pakinggan ang buong interbyu ni Machelle Ramos kay Rafaela "Apples" Chen sa programang Mga Pinoy Sa Tsina. Gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player at siguruhing gumagana ang audio plug-in sa website na ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |