|
||||||||
|
||
Isa ang nasawi, siyam ang sugatan sa pananambang ng mga rebelde
TINAMBANGAN ng mga gerilya ng New People's Army ang may isang daang police trainees na walang armas sa Mt. Province kaninang umaga. Nasawi ang isang trainee samantalang siyam na iba pa ang nasugatan.
Ayon sa pulisya, ang mga trainee na kinabibilangan ng may 70 kababaihan ang nag-eenerhisyo kaninang ika-5:45 ng umaga ng paputukan ng may 20 pinaghihinalaang mga rebelde sa Kabunagan, Tadian, Mt. Province. Nasawi ang isang nagngangalang Police Officer 1 Denver Balabag.
Ang mga dalang sandata ng mga police trainees ay walang bala. Bagaman, may sampung pulis na kasama ang trainees na nakipagpalitan ng putok sa mga gerilya.
Anang liderato ng pulisya sa Cordillera Region, nararapat lamang kondenahin ang ginawang ito ng mga gerilya sapagkat nakasuot pa ng athletic uniform ang mga police trainee.
Kinondena rin ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay ang pananambang. Wala umanong armas ang mga police trainee ng tambangan. Nararapat lamang managot ang may kagagawan nito, dagdag pa ni G. Binay.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |