|
||||||||
|
||
Switzerland and Pilipinas, nagkasundong magtatag ng Joint Economic Commission
LALAGDA sa isang kasunduan ang Pilipinas at Swtizerland na nagtatatag ng Joint Economic Commission (JEC). Kasabay ang paglagdang ito ng pagdalaw sa Pilipinas ni Madame Marie-Gabrielle Ineichen-Fleisch, ang State Secretary at Director of the State Secretariat for Economic Affairs, Federal Department of Economic Affairs ng Swiss Confederation ngayong linggong ito. Kasama niya sina Dr. Terrence Billeter at Peter Nelson na kapwa opisyal ng Switzerland.
Magkakaroon na ng mekanismo para sa regular na pag-uusap at pagpapalitan ng dalawang bansa ng mahahalagang impormasyon sa larangan ng kalakal, partikular sa pagsasaayos at pagpapasigla ng kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon kay Kalihim ng Kalakalan Gregory Domingo ang kasunduang ito ang isa sa mga prayoridad ni Pangulong Aquino.
Samantala, si Industry Development and Trade Policy Undersecretary Adrian S. Cristobal, Jr. ay naniniwalang ang JEC ang nagpapakita ng commitment ng dalawang bansa na palakasin at isulong ang relasyon sa larangan ng ekonomiya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |