Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mambabatas, nagtangkang magpatiwakal

(GMT+08:00) 2013-06-28 18:01:54       CRI

Mga ahensya ng pamahalaan, suportado ang paglilipat ng mga naninirahan sa mga mapanganib na lugar

NAGKAKAISA ang mga tanggapan ng pamahalaang may kinalaman sa pabahay sa pagbibigay ng kaukulang pabahay sa mga informal settler families na nasa mapapanganib na pook sa ilalim ng P 50 bilyong housing fund na sinangayunan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

Ipinaliwanag ni National Housing Authority General Manager Chito M. Cruz na ang mga panukala mula sa civil society organizations ay pinag-aralan ng mga nasa pamahalaan at mangangailangan pa ng iba't ibang mga dokumento.

Ayon kay G. Cruz, ang ilan sa mga panukala ay tinanggap sapagkat ang mga panukalang pook para sa relocation ay on-site na nangangahulugang nasa mapanganib na pook kungdi man ay hindi inialok na ipagbili ng mga may-ari.

Sa kabilang dako, sinabi ni Secretary General Cecilia S. Alba ng Housing and Urban Development Coordinating Council na ang tatlong housing agencies, mula sa HUDCC, National Housing Authority at Social Housing Finance Corporation ay bahagi ng inter-agency Technical Working Group na binuo upang pangasiwaan ang housing program para sa mararalitang taga-lunsod.

Ang Department of Interior and Local Government ang siyang nangangasiwa sa technical working group.

Ani Bb. Alba, ang Joint Memorandum Circular ay ipinarating na rin sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan. Bago pa man dumating ang circular, nagkasundo na ang HUDCC, DILG at NHA na magkaroon ng supplemental memorandum circular na nagpapaliwanag ng guidelines at kung paano ito maipatutupad. Nagpalabas na ang pamahalaan ng P 20 bilyon sa National Housing Authority.

Sinabi naman ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na mayroong 4,842 units sa off city resettlement projects na handa ng tirhan ng mg maralitang tagalungsod samantalang may 3,513 pa ang ginagawa at matatapos bago magwakas ang taong 2013.

1 2 3 4 5 6
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>