|
||||||||
|
||
130705melo
|
NATAPOS na ang masusing pag-aaral na ginawa ng assessment team at nagbigay ng ng rekomendasyon kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.
Sumang-ayon si Pangulong Aquino sa mungkahing magpatuloy ang paglilingkod ng may 340-kataong contingent hanggang sa darating na ika-11 ng Agosto kasabay ng panahon upang mabatid kung sino ang hahalili sa kanila sa Golan Heights.
Pinag-usapan ang ilang mga komplikasyon ng pagpapadala ng mga kawal na maglilingod bilang peace-keepers. Pinag-usapan din ang mga paraan upang magkaroon ng seguridad at kaligtasan ng mga kawal.
Sinabi rin ni Pangulong Aquino na handa ang Pilipinas magpatuloy na maglingkod at makilahok sa lupon ng peacekeepers.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |