|
||||||||
|
||
Mga pari ng Maynila, nanawagang alisin na ang Pandacan Oil Depots
NANINDIGAN ang mga pari ng Arkediyosesis ng Maynila na alisin na kaagad ang oil depot sa Pandacan. Ang magkakaroon ng oil depot ay magdudulot ng kapahamakan sa mga naninirahan at sa kapaligiran.
Sa isang pahayag na inilabas ngayong Biyernes, sinabi ng mga pari ng Maynila na nababahala sila sa mga pagkakataong nagkakaroon ng mga sakuna ay saka lamang kumikilos ang pamahalaang pambansa at lokal. Kamakailan, inilabas ng Larraine Marketing ang may 1,000 litro ng langis sa Pasig River. Napapaloob umano sa maayos na pamamalakaad ang preventive action, sanction sa nakapinsalang kumpanya at ang pagkakaroon ng pro-people, pro-poor at makataong development plan para sa 33 ektaryang lupain sa oras na umalis na ang bigtime na mga kumpanya ng langis sa Pandacan.
Hindi umano magtatagal ay maglalabas si Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle ng pagdiriwang ng "Season of Creation" sa darating na ika-31 ng Agosto. Mula unang araw ng Setyembre hanggang ika-anim ng Oktubre, bibigyang-pansin ang ecology and environment sa lahat ng mga seminary, mga simbahan at mga Christian communities.
Isinisulong ng kaparian ng Maynila na kailangan ang active collaboration sa pamahalaang lokal para kabutihan ng mga residente at mga turista.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |