|
||||||||
|
||
Mga banyagang mag-aaral, kailangang kumuha muna ng study permit
IPINAALALA ng Bureau of Immigration sa mga may-ari at mga registrar ng mga paaralan sa buong bansa na ang mga banyagang pumapasok sa kanilang mga paaralan ay kailangang kumuha ng study permit o visa mula sa kanilang tanggapan.
Ayon kay Commissioner Ricardo David, Jr., ang bureau ay hindi mag-aatubiling papagmultahin ang mga kolehiyong tatanggap ng mga banyagang walang anumang special study permit o student visa mula sa Bureau of Immigration.
Ang special study permit ay iginagawad sa mga banyagang wala pang 18 taong-gulang na mag-aaral sa elementarya, high school at college levels at mga mayroong special courses na hindi hihigit sa isang taon.
Ang student visa ay iginagawad sa banyagang higit sa 18 taong gulang na nag-aaral sa kolehiyo, seminaryo at pamantasan. Huwag na huwag ding tatanggap ng mga banyagang mag-aaral kung walang accreditation mula sa Bureau of Immigration, dagdag pa ni Commissioner David.
Ayon sa Executive Order No. 285 na siyang sumusog sa guidelines sa pagpasok at pananatili ng mga banyagang mag-aaral sa Pilipinas, ang isang paaralan na tatanggap ng banyagang walang visa ay pagmumultahin ng P 50,000 at mawawalan ng authority na tumanggap ng mga banyagang mag-aaral. Sa mga paaralang walang accreditation na tumanggap ng mga banyaga, kakasuhan sila sa pagtatago ng illegal aliens.
May 1,300 mga paaralan sa buong bansang autorisadong tumanggap ng mga banyagang mag-aaral. May kulong na lima hanggang sampung taon at mula na mula P 5,000 hanggang P 10,000 ang lalabag sa batas.
Ang mga paaralang accredited by Bureau of Immigration, Department of Education, Commission on Higher Education, Technical Education and Skills Development Authority, Civil Aviation Authority of the Philippines at Federation of Accrediting Agencies ang makatatanggap ng mga banyagang mag-aaral.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |