Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga kawal na Pinoy sa Golan Heights, mananatili

(GMT+08:00) 2013-07-05 17:34:36       CRI

Target ng pamahalaan: 5% ng Gross Domestic Product para sa mga pagawaing-bayan

SERVICES SECTOR ANG ECONOMIC DRIVER NG PILIPINAS.  Sinabi ni Kalihim Arsenio Balisacan, ang Socio-Economic Planning secretary, (pangalawa mula sa kaliwa) na ang services sector ang nagpasigla sa ekonomiya ng bansa sa halip na manufacturing sector.  Maraming nararapat gawin upang maka-angat ang manufacturing sector, dagdag pa ni G. Balisacan.  Panauhin siya ng Foreign Correspondents Association of the Philippines sa forum na ginawa kaninang umaga.  (NEDA photo)

5% NG GDP ANG NAIS NG PAMAHALAAN PARA SA PAGAWAING-BAYAN.  Layunin ng Aquino Administration na gumastos ng 5% ng GDP sa taong 2016 upang mapasigla ang ekonomiya ng bansa.  Ito ang sinabi ni Kalihim Arsenio Balisacan ng NEDA sa Foreign Correspondents Association of the Philippines Forum kanina sa Manila Mandarin Hotel. (NEDA Photo)

SINABI ni Kalihim Arsenio Balisacan, ang Socio-Economic Planning Secretary, na target ng Pamahalaang Aquino na makarating sa 5% ng Gross Domestic Product ang gagastusin sa mga pagawain-bayan sa taong 2016.

Sa panayam ng mga kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines, sinabi ni Kalihim Balisacan na sa taong 2012, umabot sa 2.5% ng Gross Domestic Product na P 10.5 trilyon ang nagastos para sa mga pagawaing bayan na magpapasigla ng ekonomiya.

Tumanggi si Kalihim Balisacan na may kinalaman sa darating na halalang pambansa ang programang ito ng pamahalaan. Angkop lamang ito upang mapanatili ang pag-unlad ng bansa. Ipinaliwanag niya na hindi nangangahulugang sa pagkakaroon ng dalawang sunod na magandang rating sa bansa ay madadali ang pagpasok ng Foreign Direct Investments sapagkat higit na magiging matatag ang kaunlaran (kung magpapatuloy ito).

Inamin din ni G. Balisacan na sa taong 2012 at maging sa unang bahagi ng 2013, ang services sector ang nakapagbigay ng sigla sa ekonomiya sa halip na manufacturing.

Hindi na umano kailangang magkaroon ng mga bagong kalakaran sa pagpasok ng kalakal. Kailangan lamang matugunan ang paniniwala ng madla na mas magastos maglagak ng kapital sa Pilipinas. Nararapat ding maging matatag ang exchange rate sapagkat mahihirapan ang mga importer at exporter kung lubhang magalaw ang pagpapalit ng piso sa dolyar.

Nais umano niyang maituon ang pansin sa mga pagawaing bayan sa mga pook na madalas dalawin ng mga turista. Nangangahulugan ito na magtatayo ang pamahalaan ng mga lansangan, paliparan, tulay at iba pang pagawaing bayan sa mga pook na kasama sa tourism roadmap.

1 2 3 4
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>