Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dahil sa traffic, apat na araw na trabaho, iminungkahi

(GMT+08:00) 2013-07-11 19:48:26       CRI

Dahil sa traffic, apat na araw na trabaho, iminungkahi

TATLONG "E" ANG SOLUSYON SA TRAPIKO SA PILIPINAS.  Ayon kay Employers Confederation of the Philippines President Edgardo B. Lacson, ang mga ito ay Engineering, Enforcement at Education.  Hindi na kailangan ang four-day workweek na ipinanukala upang maibsan ang P 2.4 bilyong nawawala dahilan sa traffic sa Metro Manila sa bawat araw.

MATAPOS sabihin ni Socio-Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan na aabot sa P 2.4 bilyon ang nawawala sa bansa dahilan sa traffic, iminungkahi ni Atty. Romulo Macalintal na gawin na lamang four-day workweek ang kalakaran upang maiwasan ang epekto nito sa ekonomiya.

Sa panig ng mga kasapi ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines, payag sila sa mungkahi basta't gagawing voluntary at mayroong takdang panahon.

Panukala na magkaroon ng isa o dalawang lungsod na magpatupad ng four-day workweek sa loob ng isang linggo. Sa isang pahayag, sinabi ni Alan Tanjusay, tagapagsalita ng grupo na ang panukala ay parehong makatutulong at makasasama sa mga manggagawa at mga kumpanya. Ito rin ang pananaw ni Gerard Seno, executive vice president ng ALU-TUCP.

Ang panukalang magtrabaho ng sampung oras bawat araw sa loob ng apat na araw sa isang linggo ay magiging pahirap sa mga nasa pabrika, produksyon, transport at construction. Maaaring mapasapanganib pa sila, dagdag pa ni G. Seno. Mababawasan din ang kanilang productivity.

Nangangahulugan ito ng mas mababang income sapagkat wala ng bayad ang overtime para sa milyun-milyong mga manggagawa. Baka madagdagan pa ang bilang ng mga walang hanapbuhay dahilan sa dalawang araw na day-off.

Ipinaliwanag din ni Seno na kung ipatutupad ng tama ang kalakarang ito, makikinabang ang karamihan depende sa layunin.

SA mga kasapi naman ng Employers Confederation of the Philippines, ang problema sa trapiko ay malulutas sa pamamagitan ng Engineering, Enforcement at Education. Sinubukan na umano ang pagbabawas ng araw ng pagtatrabaho subalit wala ring mabuting natamo.

Sinabi ni G. Edgardo B. Lacson, pangulo ng ECOP, ang solusyong ito ay mas malala sa problema. Ikalawang pagkakataon na ang panukalang ito.

Walang katiyakang magtatagumpay ang programang ito, dagdag pa ni G. Lacson. Inihalimbawa niya ang ginawa ni MMDA Chairman Francis Tolentino na sinamsam ang lahat ng mga colorum na bus sa nagyayaot sa EdSA. Malaki ang iniluwag ng trapiko noon. Ipinagtataka lamang niya kung bakit hindi na naulit ang pagsamsam na ito.

Kung hindi pahihintulutan ang mga provincial bus na pumasok ng Metro Manila, tiyak na maluwag ang mga lansangan, dagdag pa ni G. Lacson.

1 2 3 4
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>