Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dahil sa traffic, apat na araw na trabaho, iminungkahi

(GMT+08:00) 2013-07-11 19:48:26       CRI

Mga eroplanong mula sa Pilipinas, makapaglalakbay na patungong Europa

MALUGOD na tinanggap ni Kalihim Joseph Emilio Aguinaldo Abaya ang desisyon ng European Union na payagan na ang mga eroplano ng Philippine Air Lines na makapaglakbay patungong Europa.

Sa isang pahayag kasunod ng mensahe ni Ambassador Guy Ledoux ng European Union, sinabi ni G. Abaya na makakaasa na ang European Union sa kakayahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines na magdesisyon sa kaligtasan at mga antas ng kaligtasang ipinatutupad ng mga eroplanong gagamitin ng mga mamamayan ng EU sa loob ng bansa.

Naganap ito sa pagkakaroon ng kaunlaran sa safety oversight na ibinibigay ng mga may kakakayahan autoridad sa Pilipinas. Nangangahulugan ito ng pagtalima sa international aviation safety standards. Makapaglalakbay na ang Philippine Air Lines at masusundan ng Cebu Pacific sa oras na sumailalim ito sa re-evaluation sa loob ng anim na buwan.

Idinagdag pa ni Kalihim Abaya na malaking bagay ito sa Pilipinas lalo't higit sa larangan ng ekonomoniya at higit na malalapit ang relasyon ng dalawang bansa. Pinapurihan niya ang liderato ng CAAC sa ilalim ni Director General William Hotchkiss.

SA panig ng European Union, nakita nila ang mga improvement sa safety situation sa Pilipinas kaya't ang Philippine Air Lines ang unang kumpanya ng eroplanong pinayagang makapasok sa nasasakupan ng EU mula noong 2010.

Ayon kay Siim Kallas, Commission Vice President for Transport, ang EU air safety list ay binuo upang matiyak ang kaligtasan ng himpapawid sa Europa at ng mga mamamayan. Ito rin ang wake-up call sa mga bansa at mga kumpanya ng eroplano na kailangang gawin ang lahat upang maging ligtas ang paglalakbay.

Dumalaw ang mga dalubhasa ng European Union noong Hunyo at kumbinsido sila sa ginagawa ng mga may katungkulan upang matiyak ang kaligtasan ng mga eroplanong maglalakbay patungong Europa.

Ang desisyon ay mula sa pangkalahatang kasapi ng European Union kasama na ang Norway, Iceland, Switzerland at ang EASA.

Pinuri ni European Union Ambassador Guy Ledoux ang CAAP at ang Philippine Air Lines sa pagtugon sa air safety issues. Marapat lamang batiin si General Hotchkiss at mga kasama sa kanilang magandang nagawa.

Magugunitang ipinagbawal ang mga eroplano mula sa Pilipinas sa European Union noong Marso 2010 kasunod na ICAO audit noong 2009 na naging dahilan ng significant safety concern (SSC).

Nagkaroon din ng follow-up audit ang ginawa noong Oktubre 2012 na kinakitaan ng mangilan-ngilang improvements subalit hindi inalis ang SSC at dinagdagan pa ng isa. May nakitang magandang pagbabago sa ginawang audit noong Pebrero 2013 kaya't inalis na ang dalawang SSCs.

Isang on-site visit ang ginawa mula ikatlo hanggang ikapito ng Hunyo upang alamin ang situasyon at bigyan ng impormasyon ang Air Safety Committee upang makatulong sa deliberasyon sa posibleng pag-aalis ng kasalukuyang restrictions.

1 2 3 4
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>