|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga Misyonero na kayo, sabi ni Bishop Baylon

MAGIGING "MISSIONARIES OF FAITH KAYO". Sinabi ni Episcopal Commission on Youth Chairman at Legazpi Bishop Joel Z. Baylon na pagkakataon para sa mga kabataang dadalo sa World Youth Day sa Rio de Janeiro na palalimin ang kanilang pananampalataya.
IPINAALALA ni Legazpi Bishop Joel Z. Baylon sa mga kabataang dadalo sa World Youth Day sa Rio de Janeiro, Brazil na sila'y magiging "missionaries of faith."
Ang mga kabataang maglalakbay patungo sa World Youth Day ay may pagkakataong mapayabong ang kanilang pananampalataya.
Idinagdag pa ni Bishop Baylon na siya ring chairman ng Episcopal Commission on Youth na magkakaroon ng iba't ibang antas ng emosyon sa mga pagdiriwang. Inaasahan na ito, ayon pa kay Bishop Baylon lalo pa't makakasama ng mga kabataan ng Pilipinas ang daan-daang mga pilgrim na makakasama ni Pope Francis.
Ang paglalakbay ay napakahalagang karanasan upang palakasin at pag-ibayuhin ang pananampalataya na makikita sa paglilingkod sa kapwa.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |