|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pilipinas at European Union, magtutulungan para sa Justice Reform
HIGIT na magbabago ang kalakaran ng katarungan at paggalang sa batas sa pamamagitan ng P 570 milyong comprehensive support program na gagastusan ng European Union. Inilunsad ang programa kaninang umaga sa Campo Crame.
Dumalo sa pagtitipon sina Kalihim Mar Roxas ng Interyor at Pamahalaang Lokal, Kalihim Leila de Lima ng Katarungan at Ambassador Guy Ledoux ng European Union. Dumalo rin ang mga ambassador ng Czech Republic, Italya, Netherlands, Spain at Chargé d' Affaires ng United Kingdom kasama ang mga kinatawan ng Belgium, France, Germany at mga consul ng Bulgaria, Estonia, Finland, Lithuania at Slovakia.
Dalawang isyu ang pagtutuunan ng pansin ng programa, ang access to justice ng mahihirap at walang kakayahan at walang pakundangang paglabag sa batas tulad ng extra-legal killings at enforced disappearances.
Ipatutupad sa susunod na apat na taon hanggang 2016, ang Department of Interior and Local Government ang siyang lead agency.
Ayon kay Ambassador Le Doux, ang reporma sa justice system ay matagal na gawain at mangangailangan ng tunay na estratehiya at maayos na pagplano sa pagitan ng lahat na stakeholders.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |