Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagdalaw ni Japanese Prime Minister Abe, mahalaga para sa relasyong namamagitan sa dalawang bansa

(GMT+08:00) 2013-07-25 18:02:24       CRI

Pagdalaw ni Japanese Prime Minister Abe, mahalaga para sa relasyong namamagitan sa dalawang bansa

INVESTMENTS ANG KAILANGAN HINDI SANDATA.  Ito ang paniniwala ni Prof. Lydia Jose ng Ateneo de Manila University sa panayam hinggil sa pagdalaw ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe mula bukas hanggang Sabado.  Nararapat lamang lumakas ang investments ng Japan sa Pilipinas.  (Larawan ni Melo Acuna)

NANINIWALA si Professor Lydia Jose ng Ateneo de Manila University na matatag ang bilateral relations ng Pilipinas at Japan na nakasalalay sa apat na antas, ang mga paninda, mga mamamayan, mga kaisipang may kinalaman sa kultura at ang pang-apat ay ang investments.

Sa isang panayam kay Professor Jose ng Department of Political Science at Center of Asian Studies, hindi naman lubhang kasamaan ang investments ng Japan sa Pilipinas kaya nga lamang ay pang-anim ito na nauuna lamang sa Laos, Cambodia at Myanmar.

Sa pagdalaw na ito ni Prime Minister Shinzo Abe mula bukas hanggang sa Sabado, ay nararapat magkaroon ng karagdagang investments sa Pilipinas.

Ani Professor Jose, nararapat magkaroon ng bagong estratehiya ang bansa upang makaakit ng mas maraming investments.

Sa larangan ng kultura, kitang-kita ang impluwensya ng mga Kastila, Amerikano at maging mga Tsino sa mga Pilipino subalit hindi halos makita ang naging impluensya ng mga Japon.

Binanggit din niya ang seguridad na noon ay nanatili lamang sa relasyon ng America at Japan, Pilipinas at America. Sapagkat umunlad na ang Tsina at isa na ring superpower, nangangamba si Professor Jose sa mga posibleng scenario. Nakikita niya ang posibilidad na magkaroon ng United States-Japan-Philippines alliance.

Pakakatandaan ng bawat bansa na ang anumang pagkilos ng bawat kanilang mga pamahalaan ay upang isulong ang interes ng sariling bansa, dagdag pa ni Professor Jose.

Mas makabubuti upang maupo at mag-usap ang mga 'di nagkakaunawaang mga bansa upang magilian ang paggamit ng dahas. Hindi umano ugali ng sinumang diplomata na magsasabing wala nang pag-uusapan ang mga 'di nagkakaunawaang grupo. Obligasyon ng mga taga-ugnayang panglabas na panatiliin ang mga pag-uusap ng magkakabilang panig.

Nanawagan din si Professor Jose sa kinauukulan na sa halip na makipagtigasan sa mga kalapit bansa ay makabubuting panatiliin ang mga pag-uusap. Mas maganda umanong sa ibang pagkakagastusan ng lamang ilaan ang official development assistance sa halip na sa pagbibigay ng barko sa Philippine Coast Guard. Babawasin din naman ang mga ito sa ODA mula sa Japan kaya't mas makabubuting sa mga investments na lamang ito gastusin.

Nakatakdang dumating bukas ng hapon si Prime Minister Abe at makakadaupang-palad ni Pangulong Aquino sa Malacanang. Magkakaroon din ng pananghalian at saka haharap sa mga mamamahayag sa Manila Peninsula Hotel bago lumipad patungong Malaysia sa Sabado ng hapon.

Kalakalan umano ang pag-uusapan sa Malaysia samantalang nakatakdang makausap ni U. S. Vice President Joe Biden sa Singapore.

1 2 3 4
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>