|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Bagong samahang Laiko, tanggap na ng kalipunan
TINANGGAP na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang Prayer Warriors of the Holy Souls bilang isang national Catholic association ng mga laiko.
Nabalitaan ng Prayer Warriors of the Holy Souls ang kanilang accreditation mula sa liham ni Paranaque Bishop Jesse Mercado, chairman ng Episcopal Commission on the Laity.
Napapaloob sa liham ang pagkilala sa samahan bilang isang national Catholic association ng mga laiko. Nakapasa ang samahan sa pagkilala sa katatapos na joint meeting ng Episcopal Commission on the Laity at Sangguniang Layko ng Pilipinas.
Ipinadala ang liham kay Fr. Michel Jose Zerrudo, spiritual director ng Prayer Warriors of the Holy Souls at kay executive director Chita Monfort
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |