|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pilipinas, may mahigpit ng batas hinggil sa human trafficking
KAHIRAPAN ANG DAHILAN KAYA'T MARAMING BIKTIMA ANG HUMAN TRAFFICKERS. Naniniwala si Asst. City Prosecutor Darlene R. pajarito na nararapat masugpo ang human trafficking. Isa ang Pilipinas sa may pinaka-komprehensibong batas laban sa Human Trafficking. (Larawan ni Melo Acuna)
TATLONG antas ng trafficking ang ipinagbabawal sa Pilipinas. Ayon kay Assistant City Prosecutor Darlene R. Pajarito, na siya ring Executive Officer ng Task Force Monitoring ng Inter-Agency Council Against Trafficking, ang mga ito'y ang sex, human at organ trafficking na pawang may mabibigat na kaparusahan.
Sa isang panayam, sinabi ni Bb. Pajarito, na ang Pilipinas ay pinagmumulan ng mga biktima ng trafficking at sa ilang pagkakatao'y pinagdadalhan ng mga biktimang mula sa ibang bansa.
Dalawang uri ng trafficking ang nagaganap sa bansa tulad ng domestic trafficking at panglabas ng bansa. Karaniwang nagmumula ang mga biktima sa mahihirap na pook na karaniwa'y walang mga hanapbuhay ang mga mamamayan.
Inihalimbawa ni Bb. Pajarito ang Palawan, Zamboanga at Tawi-Tawi na pinagmumulan ng mga biktimang dinadala sa Malaysia na idinadaan sa tinaguriang "backdoor". Mayroon ding mga taga-Leyte na dinadala sa mga pagawaan sa Metro Manila matapos pangakuan ng tig-250.00 piso bawat araw na sahod subalit pagdating sa pabrika ay babayaran lamang ng sa bawat pirasong magagawa at sisingilin pa ang pamasahe at sa pagkain ng mga biktima.
Karaniwan umanong nababaon sa utang ang mga nagiging biktima.
Idinagdag ni Bb. Pajarito na ang mga dahilan sa mga pagkahulog sa sindikato ng mga biktima ay kahirapan, kawalan ng hanapbuhay sa kanilang tinitirhan, hindi pagkakaunawaan sa loob mismo ng pamilya, kakulangan ng edukasyon at impormasyon at ang pakikipagsapalaran.
Nagiging "syndicated crime" ang "human trafficking" kung higit sa tatlo katao ang sangkot, tulad ng financier, recruiter at head hunter – ang siyang nagbabahay-bahay sa mga barangay at nangungumbinseng sumama na kanilang mga nare-recruit.
Ang Malaysia at Thailand ay maituturing na transit countries kasabay ng pagiging destination kung wala nang ibang pupuntahan. Ang mga Pilipinang nadadala sa Malaysia ay karaniwang nauuwi sa pagkakalakal ng katawan, dagdag pa ni Bb. Pajarito.
Si Prosecutor Pajarito ay isa sa natataning mga Pilipino na napaparangalan ng United States of America's State Department sa pagiging aktibo sa paglaban sa human trafficking.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |