Pamilya ng napatay ng OFW, lumagda na sa mga dokumento
IBINALITA ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na madali nang makakauwi si Rodelio "Dondon" Lanuza matapos lumagda ang pinakamalapit na kamag-anak ng kanyang biktima sa hatol ng hukuman na kailangan upang makalaya.
Nag-ulat na umano si Ambassador Ezzedin Tago na lumagda na ang pamilya sa printed copy ng desisyon na mayroon bahagi na nagsasabing tanggap nan g pamilya ang kabayaran at hindi na itutuloy ang kanilang kahilingang pugutan pa ang akusado. Hindi na umano ipadadala sa Court of Appeals at ipadadala na agad sa tanggapan ng Emir sa oras na lumagda na ang hukom.
Nagbalita na rin si Ambassador TAgo na si Sheikh Ibrahim Al-Sayyari, pinuno ng Dammam Grand Court, na pinag-utusan na ang administrative supervision na ihanda ang kaukulang dokumento upang malagdaaan kaagad.
1 2 3 4