Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Zamboanga Crisis, lumalala

(GMT+08:00) 2013-09-27 17:16:55       CRI

Mga nagsilikas mula sa mga tahanan at barangay higit na sa 100 libo

UMABOT na sa bilang na 109,386 ang mga nagsilikas mula sa kanilang mga tahanan sa kaguluhang nagaganap sa Zamboanga City, ayon kay Dr. Grace Rebollos ng Peace Advocates Zamboanga (PAZ).

Umabot na rin sa P 763 milyon ang nawalang salapi sa lungsod dahil sa kaguluhan. P68 milyon sa retail at merchandising, P 64 milyon sa services at mayroong P 634 milyon ang nawala sa larangan ng manufacturing. Ipinaliwanag ni Dr. Rebollos na ang datos sa mga kalakal na nawala ay mula mismo kay Mayor Beng Climaco. May impormasyong lumabas na aabot sa P 5 bilyon ang nawala sa lungsod.

Niliwanag ni Dr. Rebollos na kahit pa mayroon kang halos apat na bilyong piso upang isaayos ang lungsod, hindi na maibabalik pa ang buhay na nawala dahilan sa kapabayaan ng pamahalaan. Dapat sana'y naiwasan ang mga ito.

Sinabi naman ni Undersecretary Chito Gascon na kailangang kumilos ng pamahalaan sapagkat nanganganib na ang buhay ng mga mamamayan. Hindi umano angkop ang ginawa ng mga kaalyado ni Nur Misuari na naghasik ng lagim sa mga mamamayan.

Ikinalungkot din ni Dr. Rebollos ang pag-iikot ng isang Xavier Daniels na nagpakilalang kinatawan ng United Nations at nag-alok ng P 10,000 sa mga lalahok na kabataan mula sa Sulu sa gagawing pagpasok sa Zamboanga.

Itinanggi ng United Nations na may tauhan silang Xavier Daniels subalit sa impormasyon ni Dean Julkipli Wadi, nakikita si Daniels na umiikot sa Jolo na may mga kasamang kawal na Americano.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>