Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Zamboanga Crisis, lumalala

(GMT+08:00) 2013-09-27 17:16:55       CRI

Pangulong Aquino, dadalaw sa Korea

MAHAHALAGANG paksa ang pag-uusapan nina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ng Pilipinas at Pangulong Park Geun-hye ng Republika ng Korea sa gagawing State Visit ni G. Aquino mula sa ika-17 hanggang ika-18 ng Oktubre.

Inanyayahan si Pangulong Aquino ng Pamahalaan ng Korea upang pag-usapan ang mga isyung may kinalaman sa politika, tanggulang pambansa, ekonomiya at development cooperation. Pag-uusapan din nila ang mga nagaganap sa rehiyon at sa daigdig.

Sa loob ng dalawang araw na pagdalaw, makakadaupang palad din ni Pangulong Aquino ang mga mangangalakal ng Korea upang isulong ang kalakalan at investments sa Pilipinas. Makakausap din niya ang mga Pilipino sa Seoul.

Nagsimula ang diplomatic relations ng dalawang bansa noong ikatlo ng Marso 1949. Sa naganap na digmaan sa Korea noong 1950, lumahok ang Philippine Expeditionary Forces to Korea sa koalisyon ng United Nations. Ito umano ang sandigan ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Higit na gumanda ang relasyong pang-ekonomiya ng dalawang bansa. Nangunguna ang Republika ng Korea sa mga bansang kabakas sa kalakalan, investments at development cooperation. Higit na sa isang milyong Koreano ang dumalas sa Pilipinas noong 2012. Halos 25% ng mga banyagang dumalaw sa Pilipinas ay mga Koreano.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>