Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malakas ng lindol, naganap sa Bohol, Cebu at kalapit pook

(GMT+08:00) 2013-10-15 17:31:04       CRI

ISANG malakas na lindol ang yumanig sa Bohol at ilang lalawigan sa Gitnang Pilipinas kaninang ika-walo't labing dalawa ng umaga. May lakas itong 7.2 magnitude. Ayon sa media reports, may 32 katao na ang nasasawi.

Sa panayam kay Director Renato Solidum ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ang lakas na inilabas ng pagyanig ng lupa ay maihahambing sa 32 Hiroshima bombs na naging dahilan ng pagbagsak ng ilang mga gusali't makasaysayang mga simbahan. Naging dahilan din ito ng stampede sa ilang pook.

May 16 ang nasawi sa Bohol at may 15 sa Cebu samantalang may isang daan katao ang nasugatan. May mga taong humawak ng mahigpit sa mga puno dahilan sa lakas ng pagyanig ng lupa.

Nagmula ang lindol sa lalim na 33 kilometro sa bayan ng Carmen sa Bohol na katatagpuan ngayon ng mga pagbitak ng mga lansangan at pagbagsak ng mga gusali. May mga nasawi sa Bohol ng bumagsak ang bubong sa isang fish port at sa isang pamilihan.

Nawalan ng suplay ng kuryente sa pagtatapos ng pagyanig ng halos isang minuto.

Sa Cebu, lima katao ang nasawi sa dami ng mga mamamayang nasa isang gymnasium samantalang tatanggap ng salapi. Walong iba pa ang nasugatan dahilan sa stampede.

Mas malakas umano ang lindol na ito kaysa sa tumama sa Haiti na umabot lamang sa 7.0 magnitude. Pinakamatindi ang pinsala sa Tagbilaran City sa Bohol at ang lalawigan ng Cebu. Ang pinakamalakas na lindol sa Bohol ay naganap noong Pebrero 1990 na nagkaroon ng magnitude na 6.8. Nakapinsala rin ang lindol ng ilang simbahan at mga tulay.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>