|
||||||||
|
||
Mga simbahan, napinsala ng malakas na lindol
ILANG makasaysayang simbahan ang napinsala ng malakas na lindol na yumanig sa Kabisayaan kaninang umaga.
KAMPANARYO NG BASILICA MINORE NG STO. NIÑO BUMAGSAK. Kitang-kita sa mga larawan ang nawalang kampanaryo ng Basilica Minore ng Sto. Niño sa Cebu. May lakas na 7.2 magnitude ang lindol kaninang 8:12 ng umaga. (Mga larawan ni Fr. Tito Soquino, OAR/Cebu)
Ayon kay Msgr. Marnell Mejia, ang social communications director ng Cebu, ang kampanaryo ng Basilica Minore ng Santo Niño ay bumagsak sa lakas ng lindol
Idinagdag pa ni Msgr. Mejia na ang St. Catherine of Alexandria parish sa Lungsod ng Carcar ay napinsala rin. Isang maituturing na heritage at historical site ang Carcar na katatagpuan ng mga sinaunang tahanan at simbahan.
Ang simbahan at kumbento ng St. William de Aquitane sa bayan ng Dalaguete ay napinsala rin.
Tumawag na ang assistant parish priest at nagsabing napinsala ang sakristiya ay ang kampanaryo nito ay maaari ding bumagsak. Pinagbawalan na ng punongbayan ang mga mamamayang dumaan o magmasid sa pinsala ng lindol sa simbahan.
Hindi na rin matitirhan ang kumbento dahilan sa posibilidad na magiba.
Ayon naman kay Fr. Tito Soquiño, OAR, nanawagan na siya sa mga pulis at kawal na pagbawalan ang mga mamamayan sa pagkuha ng mga anting-anting mula sa bumagsak na kampanaryo. Nangangamba siyang baka sa mga susunod na pagyanig ng lupa ay maging dahilan ng pagguho ng nalalabing bahagi ng kampanaryo.
Ibinalita rin ni Msgr. Mejia na sarado ang Cebu Metropolitan Cathedral hanggang sa hindi nasusuri ang buong gusali.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |