|
||||||||
|
||
Biyahe ng mga eroplano tuloy na; paglalayag, suspendido pa
SAMANTALANG pinayagan na ang paglalakbay ng mga eroplano sa Cebu at Bohol, suspendido pa ang paglalakbay sa karagatan dahilan sa mga aftershock ng malakas na lindol.
Ayon kay Commodore William Melad, hindi muna papayagan ang mga sasakyang-dagat na maglakbay kasunod na malakas na lindol kaninang umaga. Inatasan rin ni Vice Admiral Rodolfo Isorena ang mga coast guard districts sa Cebu, Iloilo at Tagbilaran na maging mapagbantay.
Sa oras na wala ng aftershocks, saka lamang papayagan ang paglalakbay sa karagatan.
Sinabi naman ni Public Works and Highways Undersecretary Romeo Momo na nagsisiyasat na ang kanilang mga tauhan upang alamin ang pinsala ng lindol.
Ang Abatan bridge malapit sa Baclayon, Bohol ay napinsala at hindi naman madaanan ang Poblacion-Baclayon road dahilan sa bumagsak na kampanaryo ng simbahan. May mga bitak sa Bohol circumferential road, dagdag pa ni G. Momo.
Dalawang tulay sa Third District ng Bohol ang bumagsak. Se Cebu ay walang mga lansangang naapektuhan at tanging mga gusali lamang. Mas maraming tinamong pinsala ang Bohol sapagkat naroon ang epicenter.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |