|
||||||||
|
||
Pangalawang pangulo at Speaker ng Kongreso, nanawagang magdasal at tumulong sa mga nasalanta ng lindol
NANAWAGAN si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay sa lahat ng mga lider ng iba't ibang pananampalataya na magsagawa ng sama-samang panalangin kasunod na malagim na lindol na yumanig sa Kabisayaan kaninang umaga.
Sa kanyang pahayag, nanawagan si G. Binay sa lahat na ipagdasal ang mga biktima ng lindol at ng mga nakalipas na bagyo. Nanawagan siyang ipanalangin ng madla ang kaligtasan at pagkakaroon ng lakas ng loob sa mga panahong ito ng pagsubok. Kailangan ding ipagdasal ang bansang maligtas sa anumang kalamidad.
Tiyak na mangangailangan ng pagkain, tubig, gamot, damit, kumot at iba pang kailangan kaya't nananawagan na siya sa madla na tumulong sa mga napinsala.
Sa panig naman ni Speaker Feliciano Q. Belmonte, nakikiisa ang buong Mababang Kapulungan sa mga napinsala ng lindol sa Kabisayaan.
Sa kanyang pahayag, tiniyak ni Speaker Belmonte na sa oras na matapos ang assessment mula sa mga kongresista, tiyak na tutugon ang House of Represenatives sa krisis. Tutulong sila sa abot ng kanilang makakaya, pagtiyak pa ni G. Belmonte.
Nanawagan siya sa mga apektado ng kalamidad na tumugon sa mga mga panawagan ng National Disaster Risk Reduction Management Council at iba pang mga ahensya ng pamahalaan. Kailangang maging maingat upang maiwasan ang anupamang kapahamakan, dagdag pa ni Speaker Belmonte.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |