Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Pilipino, binalaan dahilan sa dalawang weather systems na magpapaulan sa bansa

(GMT+08:00) 2013-11-05 18:40:08       CRI

PINALALAHANAN ni Chairman Eduardo del Rosario ng National Disaster Risk Reduction and Managament Council ang madla na maging maingat. Idinaan sa satellite at regional offices ang mensahe kasabay ng panawagang bantayan ang dalawang weather systems na magpapa-ulan sa bansa.

Inatasan na rin niya ang lahat ng namumuno sa regional, provincial, city at municipal disaster management councils na maging maingat. Kailangan ding makipagtulungan sa mga mamamahayag at mga broadcaster upang makarating sa lahat ang babala.

Nanawagan si G. del Rosario kasunod ng posibilidad na pumasok sa nasasakupan ng Pilipinas ang isang sama ng panahon sa silangan ng Mindanao sa darating na Huwebes. May international codename na Haiyan, ang nakita sa may Caroline Islands na may lakas na 95 kilometro bawat oras at pagbugso na aabot sa 120 kilometro bawat oras.

Mayroon ding isang low pressure area sa hilangang silangan ng Palawan na patuloy na nagpapaulan sa pook kaya't hindi makapaglayag at makapangisda ang mga mamamayan sa lalawigan.

Kasunod ito ng payo ng US Joint Typhoon Warning Center na malaki ang posibilidad na makapasok sa bansa ang malakas na bagyo sa mga susunod na araw.

Sinabi ng tanggapan na may posibilidad na tumama sa Central Philippines at dumaan sa kapuluan. Ito rin ang pahayag ng National Aeronautics and Space Administration na tatama sa lupa ang lumalakas na bagyong Haiyan sa Biyernes, ika-walo ng Nobyembre.

Maituturing itong Category 4 hurricane sa Saffir-Simpson Scale.


1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>