|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
SINABI ni Dr. Achim Dobermann, Deputy Director General for Research ng International Rice Research Institute na walang bahid ng kalakal ang mga ginagawa ng kanilang tanggapan sapagkat layunin nilang magkaroon ng sapat na butil ng palay para sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa.
Sa isang press briefing, sinabi ni Dr. Dobermann na ang kanilang genetically-modified rice ay hindi maihahambing sa ibang commercial na genetically-modified commodities tulad ng mais. Ang GM rice ay maaaring pagkunan ng binhi na maitatanim na muli ng mga magsasaka.
Wala pa umanong pananaliksik na nagagawa ang IRRI tungkol sa mga projection na aanihin ng iba't ibang bansang nagtatanim ng palay. Inamin niya na ang anumang pagtaas o pagbaba sa ani ng palay ay base sa ilang mga dahilan tulad ng pagtama ng mga sama ng panahon, tagtuyot, pagbaha at paglalabas ng salapi ng bawat pamahalaan upang suportahan ang sektor ng pagsasaka.
Samantala, sinabi naman ni Sophie Clayton, Public Relations Manager ng IRRI, na mayroon ng mga uri ng palay na nabubuhay kahit nakalubog sa baha ng dalawang linggo. Sa pagbuo ng mga bansa sa ASEAN bilang isang komunidad, sinabi niya na mayroong magandang relasyon ang IRRI sa lahat ng bansa sa rehiyon kaya't higit na magkakatulungan ang mga bansa mula sa 2015.
Isang malaking hamon sa kanila ang climate change sapagkat makaka-aapekto si pagtatanim ng palay ng mga magsasaka lalo na ang mga nasa pook na pinapasok ng tubig-dagat.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |