|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
NANINIWALA si Fr. Edwin Corros, Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, na patuloy na nagbabago ang mga kalakaran sa iba't ibang bansa. Inihalimbawa niya ang kalagayan ng mga Pilipino sa Saudi Arabia na nanganganib na madakip at mapauwi sa Pilipinas sa kakulangan ng mga dokumento.
Wala sa pamahalaang Pilipino ang problema kungdi sa kakayahan ng pamahalaan ng Saudi Arabia na mag-proseso ng mga papeles ng mga manggagawang illegal na naninirahan sa mayamang bansa.
Bagaman, masasabing "missed opportunity" ang naganap para sa mga manggagawa sapagkat may kakayahan silang maghanapbuhay sa Saudi Arabia at marahil ay nagkataon lang na hindi na angkop ang kanilang kakayahan sa pangangailangan ng bansang kinalalagyan nila.
Sa panig ng pamahalaan, sinabi ni Secretary Herminio Coloma ng Presidential Communications Operations Office na tungkulin ng pamahalaan na ipagtanggol ang karangalan at karapatan ng lahat ng mamamayan. Ito ang kanyang reaksyon sa balitang may mga Pilipinong inabuso at hiniya sa crackdown laban sa mga illegal na migrante sa Saudi Arabia.
Idinagdag niya na kung mayroong sapat na katibayan at handa ang mga biktimang magrahap ng pormal na usapin ay nakahanda ang pamahalaang tulungan sila na makamtan ang katarungan.
May tatlumpung mga manggagawang Pilipino na dumating kahapon sa Maynila ang nagsabing sila'y inabuso at hiniya matapos dakpin ng mga pulis at ilagay sa isang mataong selda sa loob ng apat na raw bago sila ipinarada mula sa immigration center patungo sa paliparan. Sa ganitong pangyayari, lumabas na dinakip na sila apat na raw bago pa man nagtapos ang takdang panahon sa pagsisimula ng crackdown.
Kabilang ang 30 sa tinatayang 6,700 mga Pilipinong stranded sa Saudi Arabia. Nagtapos ang amnesty para sa mga illegal aliens noong Linggo.
Karamihan ng mga manggagawa sa mayamang bansa ay mula sa Asia, Europa at America. Ang mga kumpanyang Saudi na hindi tatanggap ng mga manggagawang mula sa kanilang bansa ay hindi bibigyan ng mga kontrata ng pamahalaan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |