|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
NAGBIGAY na si Pangulong Aquino ng kautusan sa National Telecommunications Commission na simulan ang groundwork para sa paglipat ng bansa sa Japanese digital television system. Ito ang ibinalita ni Kalihim Herminio Coloma sa press briefing kanina sa Malacanang.
Nagkaroon ng mga konsultasyon sa iba't ibang stakeholders ang Department of Science and Technology at National Telecommunications Commission na kinabibilangan ng broadcast journalists, at naghahanda na ng panukalang memorandum circular na pinag-usapan sa isang public hearing kamakailan.
Idinagdag ni Kalihim Coloma na kalahok na rin ang Pilipinas ng ibang mga bansang kabilang sa ASEAN na lilipat mula sa analog patungong digital broadcasting.
May 15 iba pang bansa ang pumiling gamitin ang integrated service digital broadcasting-terrestrial system na ginawa ng mga Hapones.
Ayon kay Kalihim Coloma, magkakaroon ang free-to-air digital TV signal sa mga manonood na mag maliwanag kahit nasa malalayong pook sila. Ibinalita mismo ni Pangulong Aquino ang desisyong ito sa katatapos na ASEAN Summit sa Brunei Darrusalam.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |